CHAPTER 14

1595 Words
Chapter 14: Drunk TWO days na lang ang natitirang araw bago ako aalis at babalik na rin sa Indonesia para magtrabaho. Nang maibalik ko naman ulit ang ipon ko sa plano ko para sa amin ng mga kapatid ko. Sa nakalipas na mga araw ay curious din ako na kung sino kaya ang babaeng pinalit ni Randell para lang may makasama si Archi sa kama at hindi ang kaniyang asawa. Pero ayon nga kay Rain ay nasa bansa rin si Randell. Ano naman kaya ang ginagawa rito ng isang iyon, ano? Paano na si Kallani? Ngunit sa ngayon ay ayoko munang alalahanin iyon. Aalis ako ngayon para makipagkita sa friend ko, bago pa man siya magtampo. Spaghetti strap ang suot ko ngayon. Siyempre may cardigan pa rin ako. Walang alam ang pamilya ko sa dati kong trabaho at hindi ko rin dapat sabihin iyon sa mga kapatid ko. Mas mabuting wala na silang nalalaman pa. Ayokong magbago ang tingin nila sa ate nila. Pagdating ko sa bar ay bumalik lang sa akin ang lahat noong nagtatrabaho pa ako rito. Mabigat man sa loob pero wala akong choice kundi ang subukan na magtrabaho rito. Ayos na rin siguro ang nakaalis ako sa lugar na ito pero naging private slüt pa rin naman ako ng isang weird na lalaki ng hindi naman siya aware. Hinanap ko agad si Rain. Maraming customers at maingay sa loob. Dahil iyon sa disco song na may mga mahahalay na sayawan ang nagaganap sa dance floor. Simula nang umalis ako ay hindi na rin ako nasanay sa spotlight. Masakit sa mata ang iba’t ibang kulay nito. Kung hindi ko siya makikita sa second floor ay baka nasa VIP room siya. Pero madalas ay bartender siya. Marunong siyang mag-mix ng wine at isa rin iyon sa natutuhan ko sa kaniya. Kaya siguro iyon din ang gusto kong trabaho noong nag-request ako kay Randell—and speaking of the devil ay nandito nga siya. Nagtama agad ang mga mata namin at tumango siya. Lalapitan ko na sana siya nang sumenyas siya at doon ko lang napansin ang lalaking katabi niyang nakaupo. Likod lang ang nakikita ko pero kilalang-kilala ko na kung sino. Sa paraan pa lang ng kaniyang pagkakaupo. Bigla ay bumilis ang t***k ng puso ko. Si Archimedes ba iyon? Hala, nandito rin pala siya? Ano kaya ang trip nila at nasa Pinas silang dalawa? Himala rin na iniwan ni Archi ang wife niya. “Dalia!” Napaigtad naman ako sa gulat dahil sa boses ni Rain. Dinamba niya agad ako nang mahigpit na yakap at nasasakal talaga ako. “G-Grabe naman, Rain! Hindi na ako makahinga pa!” reklamo ko at nang mapatingin ako sa side ni Randell ay nasa amin na pala ang atensyon ng lalaking katabi niya. Nagsalubong pa ang kilay ni Archimedes at naibaba niya bigla ang wine glass niya. Eh? Nagulat ba siya nang makita niya ako rito? Hindi niya inaasahan? “Oy si Ran—” Hinila ko na si Rain nang makita niya si Randell. Hindi sila puwedeng magkita at malaman ng lalaking iyon na magkakilala kami ng kaibigan niya. Mamaya niyan ay may malaman pa siyang secret namin. “Halika, ililibre kita ng drinks,” sabi ko at lumayo kami sa dalawang iyon. Inakay ko pa siya paakyat sa third floor at huminto kami sa bar counter. Nag-order agad ako ng drinks namin. “Si Randell, nasa baba siya!” sigaw niya at tinapik ko lang ang balikat niya. “Hayaan mo na muna siya. Mayroon yata siyang kasama. Makikisampig ka pa,” pabirong saad ko na tinawanan niya lamang. “Kilala ko ang best friend niya. Si Archimedes iyon, girl,” she said. I shrugged my shoulders. No wonder na kilala niya nga si Archimedes. Madalas yata itong magpunta rito. Si Randell ay umiinom lang talaga siya. Hindi siya nakikipaglaro sa mga babae. Ewan ko lang sa kaibigan niya na mukhang loyal sa asawa pero makulit din kung minsan. “Ano naman ngayon sa akin? Hindi ko naman kilala ang taong iyon,” balewalang sabi ko at umiling siya. “Hindi mo pala siya kilala. Noong wala ka pa rito ay madalas na talaga siyang tambay sa bar at balita ko rin ay naging VIP siya. Sa tagal ko na rin dito ay ni minsan ay hindi ko pa siya naano—” Tinakpan ko na ang bibig niya bago pa lang niya matapos iyon. Ayokong marinig. “Uminom na lang tayo. Huwag na nating pag-usapan ang sèx life mo. Nandito ako hindi dahil makipagkuwentuhan sa iyo tungkol doon, gaga,” nakataas ang kilay na saad ko pa. “Inggit ka rin yata sa akin, girl. Active na ang status ko riyan,” sabi niya at inirapan pa ako. “Ewan ko sa iyo. Kumusta ka pala rito?” tanong ko at prenteng nakaupo na kami sa highchair. Nakapatong sa counter ang magkabilang braso niya. “Katulad pa rin nang dati. Wala namang pinagbago. Palagi pa ring nadidiligan ang flower ko,” sagot niya at muntik na akong masamid sa iniinom kong tubig. “Rainelle,” sambit ko sa pangalan niya na may pagbabanta pa. “Enjoy naman ang life ko. Ikaw? May something ba sa inyo ni Randell?” Sinundot pa niya ang tagiliran ko at hindi man lang ako nagpatinag. “Ay, hindi na talaga siya virgin. Wala ng reaksyon.” I glared at her pero sa huli ay natawa na lamang kami pareho. Nagpaalam naman ako kay Tita Araneta at sa dalawa kong nakababatang kapatid. Pero naparami lang ang iniinom namin ni Rain. Mataas ang tolerance namin sa alcohol pero mukhang naabot din ang limitasyon kasi nahihilo na rin ako. Naririnig ko na nga ang pagkanta ni Rain. Nang pinilit kong tingnan ang mukha niya ay namumula ang magkabilang pisngi niya at nakapatong na sa mesa ang ulo niya. “Lasing ka na yata, Rain. Naku umuwi na tayo,” pag-aaya ko sabay hawak sa siko niya pero binawi niya iyon. “Hindi pa ako lasing, Dalia. Sige na, girl. Ikaw na ang umuwi. May room kami rito. Puwede akong matulog dito,” sabi niya pero nag-aalangan akong iwan siya rito. “Dito na rin ako,” sabi ko at ginaya ko siya pero pinisil niya lang ang pisngi ko. “Umuwi ka, girl! Baka pagalitan ka ng dragona mong tiyahin!” natatawang sigaw niya at napahawak ako sa pisngi ko. Sinukbit ko ang sling bag ko. “Bahala ka ngang gaga ka,” sambit ko at iniwan ko na nga siya roon. Maayos pa naman ang paglalakad ko kahit dala-dalawa na ang nakikita ko sa paligid. Pumara na ako ng taxi at may huminto naman sa tapat ko. Walang pagdadalawang isip na sumakay na ako at isinandal ko agad ang likuran ko sa headrest. Nakapikit na ako nang malanghap ko ang pamilyar na pabango ng isang taong kilala ko. Gising na gising pa rin ang diwa ko kaya dumilat ako. Nang umayos ang pakiramdam ko kahit papaano ay nakita ko ngang hindi taxi ang sasakyan ko. “Hala. . . Sino ka naman?” tanong ko at tiningnan ko pa ang lalaking kasalukuyan nang nagmamaneho. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. “A-Archi?” sambit ko sa pangalan niya. “Dito lang pala kita makikita ulit. I wonder kung bakit nag-resign ka sa trabaho mo sa Indonesia?” he asked. “Ano naman ang pakialam mo sa life ko? At saka. . .ibaba mo na lang ako riyan,” aniko ngunit umiling siya. “Archimedes. . .” “Can I have you for tonight?” Pakiramdam ko naman ay binuhusan ako ng malamig na tubig. “Excuse me?” masungit na tanong ko. “I want to release this shít,” he just answered. Napahilot ako sa sentido ko. “Nakalimutan mo na yata na mayroon ka ng asawa,” walang emosyon na sabi ko. “Uh-huh,” sambit niya lamang. Sana ay hindi siya seryoso sa pinagsasabi niya. “Ihinto mo na lang diyan ang kotse ko. Kailangan kong umuwi agad,” utos ko. Wala siyang naging sagot dahil sa halip ay binilisan niya lamang ang pagmamaneho niya sa kaniyang kotse. Pumikit na lamang ako at nakatulugan ko na iyon sa sobrang antok. Nagising na lamang ako na nasa malaking kuwarto na. Napabalikwas ako nang bangon at mabilis kong tiningnan sarili ko. Suot ko pa rin naman ang dress ko kagabi. Naalala ko kasi na nagkita kami ni Archi. Hala, hindi ako nakauwi sa amin! Masakit ang ulo ko pero keri ko pa naman. Bumangon na ako at mabilis kong kinuha ang bag ko. Nasa pintuan na ako nang bumukas agad ito at pumasok si Archi na tanging puting longsleeve na lamang ang suot niya at pants naman pababa. “Gising ka na,” sabi niya. Hindi ko siya pinansin at lalagpasan ko na sana siya nang hulihin niya ang baywang ko. Napasinghap pa ako. “Ano ba ang trip mo?” kunot-noong tanong ko. Napahawak pa ako sa braso niya nang isandal niya ako sa pader at yumuko siya. Nalalanghap ko ang mabango niyang hininga. “Before you leave, saluhan mo muna ako,” he uttered. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ko. “Excuse me?” Tinulak ko siya sa dibdib. “Breakfast,” he added at pinisil pa niya ang chin ko. “Thank you na lang pero kailangan ko nang umuwi,” pagtanggi ko pero hindi niya ako hinayaan na makaalis. Isinara niya lang ang pintuan. “Isa na lang talaga, iisipin kong may sira na ang ulo ko,” mariin na saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD