Even if you can't see me, I'll be by your side… ~ Don't Worry, Yoo Seung Woo xxxxxx [Relaina] 2:46 PM… Kahit siguro magwala ako roon para lang makinig sa akin ang kalangitan, wala pa rin sigurong mangyayari. Kung bakit ba naman kasi ako minamalas ngayon, eh. Desidido na nga ako't lahat, hindi pa marunong makisama ang panahon sa goal ko. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandoon na iyon, eh. No choice kundi maghintay. Kataka-taka ba kung ano’ng ipinagwawala ko? Heto, bumuhos lang naman ang napakalakas na ulan kung kailan naman didiretso na sana ako sa meeting place namin ni Kamoteng Brent. I even growled at the sky nang lalo pa iyong lumakas na parang ba gusto lang mang-asar. Kamalas-malasan ko pa dahil wala man lang akong dalang payong. Bakit ba naman kasi ako minalas ngayon kung k

