Chapter 26: Under the Moonlight

2992 Words

"Handa na ba lahat ng gamit mo?" Tanong ni Rica habang nakaupo at tinitingnan ang cellphone. Nakaramdam siya ng pagkadismaya dahil ni isa ay wala man lang may nagpadala ng mensahe lalo na ang kaniyang asawa. Nalungkot siya pero agad niya rin itong tinago.  "Opo, nailagay ko na po lahat sa bag." Sagot ni Nita mula sa loob ng kaniyang silid. Nasa loob pa ito kasi inaayos nito ang maiiwan nilang gamit. May kalakihan kasi ang bagahe ni Rica kaya pinili nilang bumili ng dalawang backpack at ito ang kanilang gagamitin para sa pag-alis nila. Ang laki naman kasi ng bitbit nila kung ito tapos babalik naman din sila dito sa hotel.  Napagplanohan nilang magtagal doon ng dalawang gabi tapos kinaumagahan ay uuwi rin sila. Naisaayos na lahat ni Rica ang kailangan nila kaya hindi na sila mahihirapan pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD