Tatlong araw ang matulin na lumipas at halos araw-araw ay nagdi-date ang dalawa. Oras-oras din ay magkausap sila, mapapersonal man o gamit ang teknolohiya. Parang wala ng Nita sa buhay ni Rica kung umasta ito. Nakalimutan niya na nga ang babae, lalo't hindi siya kinukulit nito. Nasa isang date sila ngayon ni Gab. Isa itong kilalang restaurant at masasabing mayaman lang ang makakapasok. Malaki ang ginastos ni Gab dito at na-appreciate iyon ni Rica. "I want to spend my life time with you, Babe. I know, I'm a fool when I left you. Kaya gusto kong gawin ang tama ngayon." Sabi ni Gab habang nakatukod ang dalawang siko sa mesa habang titig na titig kay Rica. Sa narinig, napangiti si Rica. Kita niyang nagbabago na ang lalaki at gusto niya ito. Bumabalik sila sa dati, and she missed this kin

