MAS lalo yatang na-bored si Solana sa loob ng opisina ni Nicolai. Dahil wala ding pinagkaiba ang ginagagawa niya sa mansion nito kapag naiiwan siyang mag-isa doon. Naroon lang din siya nakaupo sa sofa sa loob ng opisina nito. Kung alam niyang ganoon din pala ang gagawin niya sa pagsama niya dito, sana ay nagpaiwan na siya sa mansion. Nagpahangin na lang siya sa garden nito. Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga bago siya sumulyap kay Nicolai na tutok na tutok ang atensiyon nito sa harap ng computer nito. At nakatingin siya dito ay bigla niyang naalala ang naging paghahalikan nila kanina sa loob ng opisina nito pagkapasok na pagkapasok nila. Mukhang nabitin si Nicolai sa paghalik nito sa kanya sa may elevator kaya pinagpatuloy nito iyon nang makarating sila sa loob ng opisi

