HUMUGOT ng malalim na buntong-hininga si Solana nang makita niya ang mga sugat at ilang pasa niya sa katawan dahil sa kagagawan ni Eva. Tatlong araw nang wala si Nicolai at tatlong araw na siyang sinasaktan ni Eva para pahirapan. At sa tatlong araw na iyon ay para talaga siyang nasa impyerno mula sa kamay ni Eva. Sinabi ni Nicolai na gusto siya nitong pahirapan, gusto din nitong gawin na impiyerno ang buhay niya. Pero hindi naman siya sinaktan ng ganoon ni Nicolai. Hindi siya nito simasaktan ng pisikal. Mas masahol pa nga si Eva dahil talagang literal na sinasaktan siya nito. At hindi din biro ang pananakit sa kanya ni Eva dahil talagang ramdam niya ang sakit. Ang bawat sabunot nito sa kanya, bawat sakal at ang bawat sipa sa katawan. At hanggang ngayon nga ay nararamdaman pa din niya iyo

