INALIS ni Nicolai ang tingin niya sa harap ng monitor ng laptop nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone na nakalapag sa ibabaw ng mesa. At nang damputin niya ang cellphone para tingnan kung sino ang tumatawag ay hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang makita na overseas call iyon galing sa Italy. At ang tumatawag sa kanya nang sandaling iyon ay walang iba kundi si Antonio--ang kanang kamay ni Lord Marco. Saglit ngang nakatitig si Nicolai sa tumutunog na cellphone hanggang sa sagutin niya ang tawag nito. "Sir Nicolai," iyon agad ang bungad na wika ni Antonio sa kanya nang sagutin niya ang tawag nito. "Di cosa hai bisogno?" tanong niya dito. (What do you need?) "Sir Nicolai, Lord Marco has summoned you here. He says he has something important to tell you," wika

