WALANG magawa si Solana sa mansion ni Nicolai. Kung may cellphone lang sana siya ay pwede siyang mag-browse para mawala ang boredome na nararamdaman niya. But Nicolai had forbidden her from using a cellphone. Iniisip yata nito na baka gamitin niya iyon para tumakas, para humingi siya ng tulong sa ama niya para iligtas siya nito. Pero paano naman siya hihingi ng tulong, eh, hindi naman niya alam kung ano ang numero ng ama niya, mukha nga nito ay hindi niya alam. Recently lang din niya alam ang tungkol sa pangalan nito. At dahil walang magawa si Solana ay naisip niyang lumabas ng kwarto, dumiretso din siya sa baba. Wala si Nicolai at alam niyang kasama nito si Angelo. Eh, kung nasaan ang lalaki ay laging nakasunod si Angelo. At dahil wala siyang magawa ay naisip niyang lumabas ng mansi

