Chapter 5

1367 Words
"THAT'S my only condition, Solana. Pleasure me and make me satisfied, and you'll be free to leave this prison. Or, you'll stay here forever. Now choose." Hanggang ngayon ay hindi pa din maalis-alis sa isip ni Solana ang hinihinging kondisyon ng lalaki sa kanya kanina. Sa totoo lang ay hindi makapaniwala si Solana sa gusto nitong gawin niya para palayain lang siya nito. He wanted her to pleasure him so he would set her free. At sino namang may tamang pag-iisip na papayag sa gusto nitong mangyari? At nasa tamang pag-iisip pa naman si Solana kaya tumanggi siya sa gusto nitong mangyari. "You choose. So bear the consequences, Solana-- you’ll be stuck here forever,” naalala nga din ni Solana na wika nito sa kanya nang tumanggi siya sa gusto nitong mangyari. Of course Solana would disagree with what he wants. She really wants to leave, but she refuses to accept the condition he’s demanding of her. Naisip ni Solana na mas makakabuting manatili na lang siya doon at hintayin na iligtas siya ng ama kaysa pumayag sa gustong mangyari nito. Sigurado naman siya na alam na ng ama ang nangyari sa kanya. At kung mahalaga siya dito gaya ng sinasabi ng lalaki sa kanya ay alam niyang gagawa ang ama ng paraan para mailigtas siya nito doon. Alam niyang gagawin nito ang lahat para makawala siya sa kamay nito. Kaya hindi niya kailangan na tanggapin ang kondisyon nito. Hihintayin na lang niyang iligtas siya doon ng ama. Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Solana. Pagkatapos niyon ay ipinilig niya ang ulo para maalis na iyon sa isip niya. At mayamaya ay nag-angat siya ng tingin sa gawi ng pinto ng bumukas iyon. At pumasok na naman ang lalaking nagdala sa kanya ng pagkain kaninang umaga. At sa pagkakataong iyon ay may dala ulit itong tray na naglalaman ng lunch niya. Pero napaayos si Solana mula sa pagkakaupo niya namg mapansin niyang tumitig ang lalaki sa hita niyang nakalantad, dahil nakaupo ay lumihis ang laylayan ng suot na t-shirt. Pasimple nga din niyang hinala ang laylayan ng t-shirt na suot ng sandaling iyon. Kita nga niya ang pagbalatay ng pagnanasa sa mga mata nito nang i-alis nito ang tingin sa legs niya. Halos pagdikitin nga din ni Solana ang legs niya dahil maliban sa suot niyang t-shirt ng mastermind sa pagdukot sa kanya ay wala na siyang suot na kahit isa. Kung kanina ay parang x-ray ang mga mata ng estrangherong lalaki, ngayon naman ang lalaking mukhang goon ay parang scanner ang mata dahil pinapasadahan siya nito mula ulo hanggang paa. At pakiramdam niya ay tumaas lahat ng balahibo niya sa kanyang katawan nang makita niya kung paano nito basahin ang labi nito gamit ang dila habang nakatingin sa kanya. Para ba itong natatakam habang nakatingin sa kanya. Pasimple nga ding niyang hinawi ang mahabang buhok patungo sa harapan niya para itago ang pagbakat ng dibdib niya. Gaya ng sinabi niya ay wala siyang suot na undergarment. Tanging maluwag na t-shirt lang ang tumatakip sa kahubadan niya. At alam ni Solana na ang boss na tinutukoy nito ang tanging nakakaalam lang na wala siyang undergarment doon dahil ito any nagbigay sa kanya niyon. Sunod-sunod namang napalunok si Solana nang humakbang ang lalaki palapit sa kanya. "Pagkain mo," wika nito sa kanya nang nakalapit, pero ang tingin ay nanatili sa legs niya. At para hindi na magtagal ang lalaki do'n dahil hindi siya komportable sa titig nito ay kinuha na niya ang pagkain na inaabot nito para umalis na ito. Pero sa halip na lumabas na ito ng kulungan ay nanatili pa ito do'n. His eyes lingered on her with a malicious glint. At kung hindi lang ito tinawag ng kasamahan nito ay hindi pa ito aalis. At ganoon na lang ang paghugot ni Solana ng malalim na buntong-hininga nang tuluyang makaalis ang lalaki sa kwartong pinagkulungan sa kanya. Sa totoo lang ay nakaramdam siya ng kaba sa tinging pinagkakaloob ng lalaki sa kanya. Mas natakot pa nga siya sa tingin nito kaysa banta ng boss nito sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay nagpakawala si Solana ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay itinuon na niya ang atensiyon sa pagkan niya. Kinain na niya iyon dahil nasiguro naman niyang safe iyon, na wala iyong lason. At nang matapos siyang kumain ay nagpahinga lang siya saglit at saka siya pumasok sa loob ng banyo. At pagpasok ni Solana ay agad siyang nag-toothbrush. Mabuti na lang at may kasamang toothbrush at toothpaste iyong bigay ng lalaki sa kanya. Lalaki pa din ang tawag niya dito dahil hanggang ngayon ay hindi pa din niya alam ang pangalan nito. Nang matapos ay napatingin din si Solana sa maruming damit niya. Naisip niyang labhan iyon para naman may maisuot siya, lalo na iyong mga underwear niya. Baka kasi pumasok muli ang lalaking manyakis at tumingin naman ito sa legs niya. Sa hitsura nito kanina ay parang hindi ito gagawa ng mabuti, parang may masamang balak nga ito. Solana had no idea how to do the laundry, simply because she’d never done it once in her life. May gumagawa niyon para sa kanya. Pero alang-alang sa kaligtasan ng puri niya ay kinakailangan niya iyong gawin. Wala din siyang gamit na sabon na panlaba kaya ang ginawa niya ay kinusot lang niya iyon at binanlawan ng maraming beses. At nang matapos ay sinampay na niya iyon sa sampayan na naroon. Hindi naman maiwasan ni Solana na makaramdam ng pagod pagkatapos niyang labhan ang mga damit niya. At dahil napagod ay naisipan niyang magpahinga. Humiga siya sa maliit na higaan na naroon. Mabuti na lang din at may manipis na kumot ang naroon at ginamit niya iyon para takpan ang legs niya para kahit umangat ang laylayan t-shirt na suot ay hindi siya makitaan. May CCTV pa naman do'n. Baka mamaya ay may nanunuod sa kanya. At dahil sa nararamdamang pagod ay nakatulog muli siya. At naalimpungatan na lang si Solana nang maramdaman niyang may humahawak sa legs niya. Inakala niya noong una na nananaginip lang siya pero nang maramdaman muli niya na may humahaplos do'n at mabilis siyang nagmulat ng mga mata. At mabilis siyang lumingon sa kanyang likod. At ganoon na lang ang takot na naramdaman ni Solana para sa sarili nang makita niya ang lalaking manyakis na nasa loob ng kwarto. At kitang-kita niya ang pagnanasa na bumalatay sa mga mata nito nang sandaling iyon. Kitang-kita din niya ang pamumula ng magkabilang mata nito na parang bang kagagamit lang nito sa pinagbabawal na gamot. At nang sandaling iyon ay alam niyang wala ito sa tamang pag-iisip. Mabilis naman siyang bumangon at sumiksik sa pinadulo ng kama. Halos itakip niya ang kumot sa katawan niya. "Anong...ginagawa mo dito?" tanong niya dito, hanggang ngayon ay hindi pa din bumabalik sa normal ang kanyang puso dahil sa pinaghalong kaba at takot. "Dinalhan kita ng pagkain mo," wika nito sa kanya sabay abot ng hawak nito. Inabot naman niya iyon para umalis itong muli, pansin nga niya ang panginginig ng kamay ng itaas niya iyon para kunin ang inaabot nito sa kanya. At ganoon na lang ang pagsinghap niya ng haplusin nito ang kamay niya. At kitang-kitang muli niya ang pagbasa nito sa labi gamit ang dila nito habang nakatitig ito sa katawan niya. Pagkatapos niyon ay humakbang na ito paalis. At kahit na nakaalis na ito, kahit na mag-isa na lang siya doon ay hindi pa din bumabalik sa normal ang paghinga niya. Hanggang ngayon ay hindi pa din nawawala ang takot sa puso niya. At alam niyang hindi mawawala ang takot sa puso niya kapag mananatili pa siya doon ng ilang araw. Kailangan niyang makaalis do'n dahil sigurado siyang babalik muli ang lalaki. At baka sa pagbabalik nito ay gawin na nito kung ano ang nasa isip nito. At mukhang hindi na niya mahihintay kung kailan siya maliligtas ng ama niya. Mukhang kailangan niyang bawiin ang naging pasya niya. It seemed she had no choice but to accept the condition he was demanding if she wanted to be freed from there. Solana would rather be the one to pleasure the leader who abduct her than be forced to pleasure the man from earlier.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD