NAKAHINGA ng maluwag si Solana nang magyaya ng umuwi si Nicolai. Inakala pa niya na magtatagal pa sila doon o hindi kaya ay patatapusin nila ang nasabing party. At simula nga ding may inutos si Nicolai sa kanang kamay nitong si Angelo ay hindi na niya muling nakita pa ang lalaki. Hindi nga lang ito, pati na din ang presensiya ni Mr. Galo ay hindi na din niya nakita. Mukhang umalis na ng party ng maaga ang lalaki. Pero mayamaya ay ipinilig niya ang ulo pata maalis iyon sa isipan niya. Baka kasi mahuli na naman siya ni Nicolai na may iniisip na ibang lalaki at itulou nito ang pagbabanta nito sa kanya na paparusahan siya nito. Humakbang naman sila ni Nicolai palabas ng bulwagan. Nakasunod lang siya dito habang naglalakad sila. At hindi naman nagtagal ay nakalabas na sila ng hotel. Naki

