ENJOY READING! (/>o"Ginagamit ka lang ni Lorenzo..." Napatigil si Faith sa kanyang kinatatayuan at unti-unting nanikip ang kanyang dibdib sa nakita. Si Tiffany at Lorenzo... Nakapulupot ang mga bisig ni Tiffany kay Lorenzo habang nakaupo sa office table at hinahalikan ang yakap na lalaki...>"The more you give chances, the more na mawawalan na sila ng respeto sa 'yo..." Nagmamartsang nilisan ni Faith ang lugar. Nangungunot ang noong sinundan ng tingin ni Ria si Faith. 'Nangyari 'dun?' Nilingon niya ang narinig na hiyawan at palakpakan. Si Mr. Zembrano at ang isang babaeng nakayakap dito. Hindi niya mawari kung yakap ba iyon o halik. Muli niyang nilingon ang pigura ng nagmamartsang alaga. 'May hindi ba 'ko alam?' ** Pinanggigigilang pindutin ni Faith ang buton ng elevator hanggan

