ENJOY READING (/>o<)/ •ווווווווו BAGOT na intsa-itsa ni Victor ang phone sa ere habang ang mga paa ay nakataas sa nakabukas na bintana ng sasakyan. Si Boyet ay tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan nito habang ang mga kamay ay nakakrus sa dibdib nito't payapa pang humuhilik. Sinilip niya ang oras sa suot na pambisig na relo at nababa isinandal rin ang sarili sa pinto ng kotse. Ilang minuto nalang ay sasapit na ang alas-singkong ganap na hapon. Ang sabi ni Lorenzo ay sandali lamang ito ngunit halos magta-treinta minutos na itong nasa loob ng clinic. Prente na lamang siyang humalukipkip at ipinikit ang mata. Iidlip na lamang siya kung matatagalan pa ito sa - Muntikan nang mahulog si Victor sa kinasasandalan nang biglang bumukas ang sinasandalang pinto. Mabuti na lamang ay

