ENJOY READING (/>o<)/ •ווווווווו TULAK ang isang shopping cart, tumingin-tingin si Faith sa mga naka-display na pagkain sa isang stall. Samantalang nasa unahan naman niya si Tiffany na namimili rin ng bibilhin. Tumingin siya sa mga nakahilerang produkto at namili ng sa kanya. Hindi naman maiwasang mapalingon pa ang ibang mamimili sa dalawang babae. Sa tangkad at ganda ng postura ng pangangatawan ng mga ito ay talaga namang mapagkakamalan mong artista o modelo. Kapansin-pansin din na ang isa sa mga ito ay ibang lahi dahil sa kulay ng balat at buhok, maging ang banyaga nitong katangian. Faith was wearing a white cap na may tatak pang Hello Kitty sa gitna and a black face mask to hide her identity. While her Hazelnut hair was tied in a pony. Mahirap na dahil maaaring nagka

