ENJOY READING (/>o> Nakapamaywang na hinarap ni Seli si Martha. "Hindi ka ba nababahala na baka pati si Boyet ay bingwitin niya rin? Naikwento rin sa akin ng isang kakilala ko roon na nagtitinda ng gulay, na minsan ay nakikita niyang kinakausap ni Rita si Boyet o hindi kaya kung minsan ay inaabutan ng tubig kapag katapos magbagsak ng mga delivery sa gulayan." Mabilis na hinigit ni Martha ang mga damit sa sampayan at pabalandrang inilagay sa batsa. Wala na siyang pake kung muling madumihan ang mga nilabhang damit at padabog na binuhat ang batsa at pumasok sa kabahayan. Napaigtad si Boyet mula sa pagbaba ng mga walang lamang basket sa truck nang bigla na lamang humambalos nang malakas ang pinto sa backdoor. "Meron na naman ba ang isang 'yun?" Hinubad niya ang suot na damit at ipinu

