KABANATA 2

1349 Words
Hindi ako mahilig makipag-away, ako na nga lagi ang umiiwas sa gulo pero ang mga grupo ng mga chaka doll na ito ng isang taon pa ako binubully,nanligaw kasi sa akin ang ex boyfriend ng leader nila si Mica at ang bruha hindi na ako tinantanan kahit di ko naman pinapansin ang ex niyang manyakis,classmate ko sila sa isang subject na kinukuha ko at kilala sila sa pagiging maldita,di ko na sila pinansin ng isang taon dahil ayoko mastress pa ako sa kanila pero ngayon inaraw-araw na nila ang pambubully sa akin kung minsan sinasadya nila tapunan ng juice ang uniporme ko na pinapalagpas ko na lang,minsan na dadamay na rin ang mga kaibigan ko..Kaya napag desisyunan ko isang lapit pa nila sa amin ng mga kaibigan ko talagang makakatikim na sila sa akin. Abala kami ng mga kaibigan ko sa pagbabasa ng mga notes namin sa may lilim ng puno ng Mangga na nasa loob ng Campus ng lapitan kami ng grupo nila Chaka doll,naghahanap na naman ng away ang mga ito. ''hoy babae''...maangas na sabi nito tinabig ang notebook ko dahilan para mahulog ito sa lupa. ''ano bang problema mo Mica,nananahimik kami dito?''....naaasar na sita ni Maby dito ang kaibigan kong matapang din. ''hindi ikaw ang kausap ko kaya manahimik ka diyan kung ayaw mong madamay,hoy mang-aagaw na babae tigil tigilan mo ang pagpapacute sa boyfriend ko ah kaya ayaw ng makipagbalikan sakin ang lalaking yon ng dahil sayo''.....baling ni Chaka sa akin at dinuro-duro ako na kinainit ng bumbunan ko. ''pwedeng magtigil ka diyan Mica, kahit kailan di ko inaagaw sayo ang boyfriend mo,at isa pa wala akong panahon sa kanya kung gusto mo magsama kayong dalawa wala ako pakialam kaya kung pwede tigilan niyo na kami ng mga kaibigan ko dahil wala kami panahon makipag-away sayo,let's go girls wala tayong mapapala sa pakikipagtalo sa mga ito''.... Tumalikod na ako sa mga ito at naglakad na kasama ang mga kaibigan ko pero si Chaka hinablot ang buhok ko kaya napaluhod ako hindi ako makakuha ng pwersa dahil nakatalikod ako sa kanya,ang dalawa ko namang kaibigan ay hinaharangan ng mga kasama ni chaka kaya di sila makalapit sa akin ang ginawa ko hinawakan ko ang kamay ni chakang nakahawak sa buhok ko at pinagkukurot ito malas niya dahil sobrang haba na ng kuko ko sa daliri kaya sigurado ako bibitawan niya ang buhok ko pero ang hindi ko inaasahan ang pagtulak niya sa akin ng malakas kaya na out balance ako lumusot ang paa ko sa butas ng kanal sa may gilid ng puno....Malaking sugat ang natamo ko sa paa sa ginawa ni Chaka sa akin muntik na ngang mabali ang buto ko,Galit na galit si papa pag-uwi namin ng bahay galing sa hospital.. ''di ba sabi ko sayo huwag na huwag kang makikipag-away sa school ilang beses kana nasasangkot sa gulo Sophia''..gigil na gigil na sabi ni Papa sa akin. ''pa di ko naman po kasalanan,sila lang ang nang-aaway sa akin sumosobra na sila kaya lumaban na ako kanina lalo na dinadamay nila pati mga kaibigan ko''pangangatwiran ko kay Papa nagalit na galit pa din. ''at muntik munang ikapahamak pasalamat ka galos lang ang natamo mo,malilintikan sa akin ang mga babae na yan''.....gigil pa din sabi ni Papa ''pa please huwag mo na silang intindihin ayoko ng gulo ''...nakayuko sabi ko kay papa na matalim na nakatingin sa akin. ''ayaw mo ng gulo pero anu yang ginawa mo?..inis na sabi niya. ''Pa tama na yan di naman kasalanan ng anak natin ang nangyari sa kanya pasalamat na lang tayo at galos lang ang natamo niya..'' Pagpigil ni Mama kay Papa. ''di kana papasok sa School na yan''....seryoso sabi ni papa ''Pa''...Nagulat ako sa sinabi ni Papa ''That's Final Sophia! kung ayaw mong idemanda ko ang mga babaeng yan di kana papasok sa school na yan.. - Umiiyak ako nagtungo sa kwarto ko,ayokong huminto ng pag-aaral,last year ko na sa school at makakagraduate na ako tapos pahihintuin pa nila ko .. Bumukas ang kwarto ko at niluwa doon ang dalawang kuya ko na labis din ang pag-aalala sa mga mukha nila.. ayos ka lang?... - si kuya Andrei saan masakit?..... -si Kuya Andrew ''kuya's Im okey! galos lang yan,.....(umiyak na naman ako ng maalala kong pahihintuin ako ni Papa sa pag-aaral) ''Galos lang, pero kung umiyak ka diyan na parang napilayan at napuruhan ka'' - andrei ''si papa kasi e,gusto niya ako huminto sa pag-aaral,kuya please tulungan niyo naman ako,kausapin niyo si papa last year ko na ito ayokong mahinto. ''don't worry I'll talk to Papa,huwag ka ng umiyak.''...pag-aalo ni kuya Andrew sa akin niyakap ko siya at hinalikan naman niya ang noo ko,. - Kinabukasan sabay-sabay kami nag-aalmusal,di ko alam kung ano pinag-uusapan nila nasa school kasi ang utak ko. ''Nakausap ko na si Jane at pinaayos ko na sa kanya mga requirements ni Sophia sa School''...Napalingon ako kay Mama sa sinabi nito na hindi ko pa din naiintindihan... ''so kailan ang start ng pasok ni Sophia''....Si papa ang nagsalita. ''Nextweek daw ang pasukan roon,kaya kailangan na natin ihatid si Sophia sa Saturday''....Sagot naman ni Mama dito,di na ako nakapagpigil kaya sumali na ako sa usapan nila dahil di ko talaga naiintindihan ang pinag-uusapan nila.. ''Pa,Ma ano pong pinag-uusapan niyo? ''Baby , kinausap ko si Papa kung pahihintuin ka sa pag-aaral ay sayang naman dahil isang taon na lang naman at gagraduate kana kaya sinuggest ko na lang na kina Tita Jane kana lang magpatuloy ng pag-aaral atleast doon malalayo ka sa mga bully''.....seryoso sabi ni kuya Andrei. ''What? Kuya naman e, Pa huwag naman po doon kahit saang school na lang po basta huwag lang po kina Ninang''....pagtanggi ko sa gusto nilang mangyari. ''At bakit ayaw mo sa mga Ninang mo di kana man nila pababayaan dun anak at isa pa anak na rin ang turing ng mga ninang mo sa iyo''....Sabi ni Mama,alam ko naman di ako pababayaan nila Ninang pero ayoko talaga sa gusto nilang mangyari lalo na makakasama ko si Zach sa iisang bahay. ''Pero Ma baka mas lalo ako di makatapos niyan''...reklamo ko ''at bakit naman dahil ba ito sa nakaraan?Sophia matagal na yon kaya kalimutan mo na ,pumayag kana doon ka mag-aral para makagraduate ka''......Sabi naman ni Kuya Andrew na parang alam na ang pinag-aalala ko kaya ayoko sa gusto nila mangyari. ''pero ayoko talaga ''....naiiling na sabi ko. ''Kung di ka papayag anak mapipilitan talaga ako pahintuin ka na lang sa pag-aaral''...seryoso sabi ni Papa - Tama lang siguro harapin ko na siya,tutal ilang taon na din ang nakalipas kaya ko na siguro siyang harapin ngayon,pumayag na ako sa desisyon ni Papa at Mama,nasa biyahe na ako papuntang Palawan di na ako nagpahatid sa mga magulang at sa mga kuya ko dahil may mga trabaho pa ang mga ito,sasalubungin naman ako ni Ninang sa Airport pag dating ko ng palawan kaya di ako maliligaw,habang nasa biyahe ay nag-iisip ako kung anong unang sasabihin ko pag nakaharap ko na siya,Kakausapin din kaya niya ako?.. Nakatulog na ako sa mahabang biyahe hapon na ng makarating kami sa malaking bahay ni Ninang dito sa palawan lalong gumanda ang bahay nila, sa gate pa lang matatanaw na ang mga magagandang bulaklak sa garden nila..pumasok na ang sasakyan ni Ninang at bumaba na kami ng sasakyan,sumalubong sa amin si keith at Paula wala si Ninong Ruben nasa business trip daw ito. '' Ate,buti na lang dito ka mag-aaral may makakasama kami lagi ni ate Paula''.nakangiti sabi sa akin ng 12 years old na si Keith. ''Dont worry ate maganda naman ang turo sa School dito''...sabi naman ni Paula sixteen years old nasa college na ito.. ''Sana nga makapag adjust agad ako''..nakangiting sabi ko sa kanila. ''Sigurado yan ate at isa pa walang nambubully sa school kaya makakapagfocus ka sa pag-aaral''...sabi ni Paula na hinawakan pa ang kamay ko,mukhang alam nga nila ang dahilan kung bakit dito sa kanila ako mag-aaral at sigurado akong alam din ni Zach ang tungkol doon..At buti na lang wala siya ngayon dito sa bahay nila napag-alaman kong nasa trabaho pa daw ito at madalas na gabi na kung umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD