Why Tears are Salty? Magkadikit na ang pisngi ko sa malamig na sementong kinahihigaan ko habang nanunuot pa ang sakit ng katawan na napala ko dahil kanina. Iika-ika akong umuwi sa bahay at iniwasang mapadaan sa bandang kusina. Wala ako sa wisyong makipagtalo ngayon sa taong pinakawalang kwenta. "Lintik kang bata ka! Uwi pa ba ng dalaga ‘yan? Alas-nuebe na ng gabi nasa galaan ka pa! Parang ayaw mo nang umuwi ah!" Napahinto ako sa paghakbang sa hagdanan at tiningnan s’ya nang masama kasama ang kaibigan n’yang bote ng alak. Ganyan naman s’ya kapag nakakainom kung murahin ako kulang na lang batuhin ako ng bote. "Oh? Buti alam n’yong ayaw ko nang umuwi dito!" saka ko sya nilayasan at naglock ng kwarto. Isa na siguro ako sa pinakamalas na tao sa mundo. OFW ang nanay ko sa Japan at nakalimutan

