Lavi POV : "Ayoko na dito! Ilabas n'yo ako dito parang awa n'yo na." "Bakit ka umiiyak?" "Tulungan mo 'ko. Buksan mo ang pinto. Gusto ko nang makalabas dito." "Kapag binuksan ko ba ang pinto, pwede akong humiling sa 'yo?" "Oo! Oo. Kahit na ano. Kahit na ano basta buksan mo lang ang pinto." "O ayan. Bukas na. Pwede na ba akong mag-wish sa 'yo?" "S-Salamat. Salamat nakalabas na ako. Sino ka ba? Ano bang hiling mo?" "Ako si Stefan. Gusto kitang maging kaibigan.” Paglabas ko ng kwarto napaatras ako nang makita ko si Stef na bihis na bihis. May dala s'yang gitara at malaking bimpo. Saan kaya 'to pupunta? "Sa'n lakad mo, bro?" Nagtimpla ako ng gatas at umupo sa trono ng hari para makapagmuni-muni. Maaga akong nagising. Hindi ako ulit binangungot. "Aakyat ng ligaw." Halos maibuga ko

