Pagkauwi ko ng bahay galing sa kain namin sa labas ni Lavi walang mapaglagyan ang saya sa puso ko. Okay na sana ang gabing ito kung hindi lang nayanig muli ang mundo ko. Nakaramdam ako ng chest pain na kinatumba ko, halos tumulo ang luha ko sa sakit. Wala pa naman ang parents ko ngayon sa bahay. Paano na 'ko? Tatawagan ko ba si Lavi o ang mga kaibigan ko? Ayokong mamatay ngayon. Kagagaling lang namin sa doktor ko at nalungkot ako sa mga sinabi n'ya. Na matapos kong maghirap dahil sa sakit ko noon, mapalitan ng puso, magkabaon-baon sa utang ang pamilya ko sasabihin ng mga test na ginawa sa 'kin na nagsisimula nang i-reject ng katawan ko ang bago kong puso. Magdadalawang taon pa lang eh. Ang daya naman. Nakakaiyak naman. Para namang ayaw na talaga nila akong mabuhay pa ng matagal. Hind

