ILANG araw na akong nagmumukmok dito sa bahay. Gusto ko na ngang hilain ang araw para makabalik na ako sa school. Hangga't nandito lang kasi ako sa baryo namin lagi ko nalang silang naiisip. Wala naman akong mapaglibangan dito maliban sa mga gawaing bahay. Ilang araw ko na ring iniiwasan ang mga kaibigan ko at mukhang effective naman. Wala namang nangyayari sa kanilang masama. Noong fiesta nga kina Armea hindi ako masyadong lumapit sa kanila. Kinakausap ako nina Res at Francis pero hindi nagtatagal at umaalis na ako. Ayokong magulo uli sila at mag-alala sa akin. Alam kong ako mismo ang gumagawa ng pader sa pagitan namin pero iyon lang ang dapat para matahimik na ang lahat. Nananaginip pa rin ako at may nakikita pero mukhang hindi naman nangyayari. Mas okay nga sigurong hindi ko sabih

