HINDI MAAARI! Si Zyl. Hindi ko kayang tanggapin! Tuluyang nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha at napaupo ako sa malamig na semento. Napayuko ako at humagulgol ng iyak. Walang patid ang luha ko, hindi... hindi ito pwedeng mangyari. Hindi ito pwedeng mangyari kay Zyl! Hindi! “Ate,” narinig kong tawag ni JM sa pangalan ko. Napaangat ako ng mukha at ginala ang tingin sa loob ng bahay namin, “Ate...” Napatayo ako dahil hindi ko makita si JM. Kahit si Zyl wala na rin sa harap ko! Naririnig ko ang boses ni JM pero wala siya rito sa loob ng bahay! Sinilip ko na rin ang taas pero wala siya roon! Si Lola...kahit si Lola wala. Saan siya nagpunta? At si JM, bakit ko naririnig ang boses niya gayong wala siya rito? Oh, God! Ano ba ang nangyayari? “Ate Ayla,” tawag niya ulit. Napaiyak ako l

