NAPATIIM-BAGANG ako nang maramdaman ang panginginig ng boses at katawan ni Ayla habang yakap ko siya.
“Zyl... ano'ng sinasabi mo?”
“Huwag kang mag-alala. Hindi ka niya masasaktan.”
“Hindi, Zyl! Ayoko... ayokong may mapahamak dahil sa 'kin!”
Hinaplos ko ang likod ni Ayla habang yakap ko siya. Nakaalis na si Goyong dahil pinaalis na nina Res. Ang walang hiya. Manonood daw ng balita? Halata namang gusto lang kaming bantayan ni Ayla.
“Walang mapapahamak. Trust me. Sa ngayon, magtiwala ka lang sa akin, okay?”
“Ayoko... ayoko,” sabi ni Ayla sa pagitan ng mahinang pag-iyak.
“Kumalma ka,” sabi ko at hinawakan ang mukha niya at pinunasan ang luha niya.
Kumibot-kibot ang labi ni Ayla na para bang may gusto siyang sabihin. Napalunok ako nang maalala ang malambot na labi ni Ayla. Dinala ko uli siya sa dibdib ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan uli siya. She's only sixteen for goodness sake! And I'm four years older than her. Ayokong isipin niya na nagte-take advantage ako sa kanya.
“Bor!” narinig kong tawag ni Res. Nakita ko siyang papalapit sa kinauupuan namin.
“Bakit?”
Sinulyapan niya si Ayla na nakasandal ang mukha sa dibdib ko. “Bakit, Bor?” tanong ko kay Res.
“Si Goyong nagwawala roon sa harap ng bahay nina Francis. Mabuti pa pumasok na kayo ni Ayla sa loob ng bahay nila. Si JM, doon na lang muna kina ate Rose.”
Napaangat si Ayla mula sa pagkakayakap sa akin. “Bakit, Res?”
“Mas mabuting nasa loob kayo ng bahay. Sige na, Ayla,” sagot ni Res at binalingan ako, “Bor, ikaw na bahala sa kanya.”
Tumango ako sa bilin ni Res. Itinayo ko si Ayla at inakay papasok ng bahay nila. “Bor, mabuti pa doon na lang muna kayo sa bahay nina Francis.”
“Sige. Alis na ako.”
Pumasok na kami ni Ayla sa loob ng bahay nila nang makaalis si Res at isinara nang mabuti ang pintuan. Naupo kaming dalawa sa sofa at namagitan sa amin ang katahimikan. Maya-maya lang ay narinig namin ang pagpatak ng ulan.
“Ayla, nasaan si JM?” tanong ng Lola niya na kalalabas lang sa sala.
“Magandang gabi po, 'La,” bati ko sa matanda.
“Magandang gabi, Zyl. Narito ka pala. Sa susunod manligaw ka sa araw. Huwag sa gabi, intiendes?”
Napangiti ako sa tinuran ni Lola Sat. Aba'y sinong hindi matutuwa gayong may permiso na akong manligaw mula sa kanya. “Tatandaan ko po iyan, Lola.”
“'La! Hindi po nanliligaw si Zyl!” bulalas ni Ayla.
“Hindi pa ba? Nasaan nga pala ang lagalag mong kapatid? Aba'y gabi na.”
“Kina ate Rose po.”
“Ah, sige. Tawagin mo mamaya kapag tumila na ang ulan.”
“Opo,” maikling sagot ni Ayla. Tumalikod na rin si Lola at marahil ay babalik na sa higaan niya.
“Ayla,” untag ko sa kanya.
“Bakit?” tanong niya na hindi tumitingin sa akin.
“Iyong tungkol sa nangyari kanina... gustong kong malaman mo na...”
“Gets ko na 'yon, Zyl. Para 'yon sa munting show mo, di 'ba? Huwag kang mag-alala, wala 'yon sa 'kin.”
I gritted my teeth. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero mukhang hindi iyon magandang ideya sa ngayon. I really hate it when she pretend like she doesn't care when it means everything to me.
“Mabuti,” tanging nasambit ko at muntik ko nang suntukin ang sarili ko nang makita kong gumuhit ang sakit sa mukha niya nang tumingin sa akin. Gusto kong bawiin ang sinabi ko.
“Look. I'm...” Narinig ko siyang natawa.
“Huwag ka na mag-explain, Zyl. Naiintindihan ko 'yon. Don't worry. I admit...that was my first kiss and unfortunately it wasn't a real one. At naiintindihan kita kung bakit mo iyon ginawa. I forgave you for what you did.”
Napahilamos ako sa mukha nang marinig ang sinabi niya. Bahala na nga siya sa gustong niyang isipin. Ayoko na magsalita!
“Zyl!” malakas na sigaw ni Ayla.
Sabay kaming napatayo na dalawa nang biglang may malakas na bumunggo sa dingding.
Nagsilaglagan ang mga nakakabit na picture frames sa dingding dahil doon. Gawa lamang sa tinadtad na kawayan ang dingding namin kaya madali iyong yanigin.
“Ano 'yon? Parang may kung sinong bumangga sa dingding!”
Sinilip ko ang labas ng bahay mula sa maliliit na siwang ng dingding. Nakisilip din si Ayla sa dingding at hindi niya napigilan ang malakas na pagsigaw dahil kasabay ng paglakas ng ulan at pagpatay ng ilaw ay may nakita kami ni Ayla na... isang pares ng pulang mata.
“Za—Zyl!” tawag ni Ayla sa pangalan ko.
Nakikita ko sa dilim ang pagkumpas ng kamay niya na parang naghahanap ng makakapitan. Masyadong madilim ang paligid sa paningin ni Ayla lalo na at walang kuryente kaya inabot ko ang kamay niya at agad naman siyang kumapit sa akin.
“Tulog na yata ang Lola mo. Hindi na niya naramdaman ang nangyari at hindi niya napansing nawalan ng kuryente,” bulong ko kay Ayla.
“Zyl, may nakita akong... may nakita akong...”
“Shhh... huwag kang matakot. Dito lang ako. Kailangan natin ng ilaw. Samahan mo ako sa kusina n'yo at ituro mo sa akin kung saan nakalagay ang kandila at posporo.”
“S—Sige...”
Dahan-dahan kaming naglakad papuntang kusina nila. Malakas ang patak ng ulan sa labas at malakas din ang ihip ng hangin.
“Kapain mo ang maliit na basket na nakasabit d'yan sa dingding ng kusina, Zyl. Nasa loob n'yan ang kandila at posporo.”
Kinapa ko ang sinasabing basket ni Ayla habang magkahawak pa rin ang kamay namin. Nang makuha ko ang kandila at posporo ay binitawan ko sandali ang kamay niya at sinindihan ang kandila. Nakahinga nang maluwag si Ayla nang makakita ng kaunting liwanag.
“Ilagay natin ang isa dito malapit kay Lola tapos ang isa doon sa sala. Pero samahan mo muna ako sa taas. Kukunin ko ang penlight sa bag ko sa taas.”
“Sige,” sagot ko habang bitbit ang kandila. Sinamahan ko si Ayla hanggang dito sa itaas ng bahay nila.
Binubuksan niya ang bag niya at lumapit ako sa mga bintana para siguraduhin iyon kung naka-lock nang maayos nang may marinig kaming boses mula sa ibaba.
“Ate? Ate Ayla, nandito ako sa labas. Basang-basa ako, Ate!” narinig naming boses ni JM.
“JM? Oh, my God!” bulong ni Ayla at mabilis na bumaba ng hagdanan.
“s**t. Ayla! Bumalik ka rito!” tawag ko sa kanya at mabilis din akong bumaba ng hagdanan para pigilan si Ayla.
“JM... JM,” bulong ni Ayla habang papalapit sa pinto.
Malapit na sa pinto si Ayla nang maabutan ko siya. Mabilis ko siyang hinaklit sa baywang at inilayo sa pinto. s**t! Para akong hinapo sa ginawa ko. Daig ko pang naglaro ng tatlong game ng basketball sa mabilis na paghabol ng hinga ko.
“Zyl, bitiwan mo ako! Nasa labas si JM! Baka kung ano ang mangyari sa kanya sa labas!” halos pabulong na sabi ni Ayla habang pilit na kumakawala sa isang braso ko na nakapulupot sa baywang niya.
“Ayla... Ayla, calm down. Please, kumalma ka,” bulong ko malapit sa tainga niya. Nilagay ko ang kandila sa isang maliit na mesa doon at pinaharap sa akin si Ayla.
“Zyl! Nasa labas si JM! Kailangan na niyang pumasok! Baka makita niya ang... baka makita siya ng...”
“Shhh, makinig ka sa 'kin. Ayla, makinig ka!”
“Hindi! Hindi... si JM!”
“Damn.”
Buong lakas na niyapos ko si Ayla upang pigilan siya sa pagpupumiglas. "Calm down, Love. Calm down."
“Z—Zyl...”
anito na tumigil na rin sa pagpupumiglas. Napaiyak na lang siya sa dibdib ko habang marahan kong hinahaplos ang mahaba at tuwid niyang buhok.
Bahagya kong niluwagan ang pagkakayakap sa kaniya nang maramdaman kong kumalma na siya.
I cupped her face and sighed when I saw her teary eyes. Bumaba ang mga kamay ko sa balikat niya pagkatapos kong pahirin ang luha niya.
"Are you okay now?"
Wala akong narinig sa kaniya kung hindi ang singhot niya.
I took a deep breath. “Makinig ka sa 'kin, Ayla. Wala si JM sa labas.”
“P-Pero narinig kong tinatawag niya ako,” nahahati sa takot at pagkalito ang mukha ni Ayla.
“Nakalimutan mo ba ang sinabi ni Res? Sinabi niyang doon muna si JM sa kabilang bahay. Nasisiguro kong pinuntahan niya si JM at sinabi sa kapatid mong manatili muna roon.”
“Pero...”
“Tsk. Sa tingin mo ba pauuwiin siya ni Ate Rose dito gayong alam nilang malakas ang ulan at walang kuryente? Ikaw na ang nagsabing matatakutin si JM.”
“Tinawag niya ako. Boses ni JM ang narinig ko! Kapatid ko siya at natatakot akong may mangyaring masama sa kanya sa labas!”
“Pero hindi si JM ang narinig nating tumatawag sa 'yo! Mag-isip ka, Ayla! Alam mong hindi pahihintulutan ni Ate Rose o ni Tiya Susan na umuwi si JM na basang-basa!”
Natigilan si Ayla. Marahil ay nare-realize na niya ang sinasabi ko. Napaupo siya sa carpeted floor at napatakip ng mukha at napaiyak na naman.
Fuck! Hindi ko na alam kung paano ko patitigilin ang iyak ng babaeng ito!
“Nililinlang lang niya tayo, Ayla. Gaya ng nangyari dati!”
Bigla siyang napatayo at kumapit sa akin nang biglang may malakas na nag-landing sa bubong. Napamura naman ako sa pagkagulat.
“Ano na naman 'yon, Zyl?” nanginginig na tanong ni Ayla.
Wala ako maapuhap na sabihin. Yumakap sa akin si Ayla nang pumailanlang ang nakakapanindig balahibong tiktik ng aswang. Nakapagtatakang hindi man lang nagising si Lola Sat gayong mababaw lamang ito kung matulog.
“Huhu! Zyl! May aswang sa labas! Nandyan siya sa labas!”
“Shhh, huwag kang maingay,” saway ko sa kaniya. Tsk! Ang ingay naman kasi. Kinakabahan na nga rin ako rito tapos ngumangawa pa ang babaeng ito. 'Tangna!
“Zyl, ano’ng gagawin natin? Baka pasukin tayo rito! Si Lola, gisingin ko kaya si Lola? Ano’ng gagawin natin?”
“Ano bang panlaban sa aswang?” tanong ko kay Ayla.
“Asin at bawang? Hindi ko alam kung effective 'yon! Sa pelikula lang naman ako nakakakita ng ganoon, eh! Saka may bagakay diyan sa kusina. Baka effective 'yon.”
“Bagakay? Alam ko sa bampira lang effective 'yon. Haha!”
“Huwag ka nang magbiro d'yan! Kapag ako namatay mumultuhin kita!”
“Ikaw naman ang nagbibiro ngayon. Kumuha ka ng asin at bawang,” utos ko kay Ayla.
Tumaas ang dalawang kilay ko nang hindi umaalis sa kinatatayuan si Ayla at nakatitig sa akin. “Ano? Kumuha ka na!”
“Za—Zyl...”
Napakunot-noo ako nang makitang titig na titig siya sa akin. “Ayla, hindi aalis ang aswang kung tititigan mo lang ako r'yan! Gwapo ako alam ko!”
Umangat ang kamay ni Ayla at may itinuturo siya sa likod ko. Sinundan ko ang itinuturo niya at nagulat ako sa nakita ko sa likod ko.
“Puta!”
Marahas akong napaatras nang makita ang isang malaking ahas sa likod ko! Napasiksik naman si Ayla sa akin. Kinapa ko ang mesa sa likod namin dahil baka may magamit kaming panangga o panlaban sa ahas pero ang laman ng mesa ay...ruler? Napamura ako habang hindi inaalis ang mata sa ahas sa harap namin.
“Hoy, kilala kita! Ito lang ang sasabihin ko sa 'yo! Kapag hindi mo ako napatay ngayon, ikaw ang papatayin ko!”
“Ssssssssssssssss...”
“Sige, tuklawin mo ako. Tingnan natin. Akala mo ba hindi ko alam kung sino ka? Gusto mo bang sabihin ko pa o gusto mong isigaw ko na lang para marinig ng lahat ng gising sa oras na 'to? Ano? Sige!”
“Zyl, ano ba pinagsasabi mo?” bulong ni Ayla sa likod ko.
“Narinig ko kasi dati na kapag daw tinakot mo ang aswang na nagbabalat kayo na sasabihin mo ang pangalan niya ay matatakot daw siya. Hindi ko alam kung gaano ka totoo pero bahala na.”
“Parang hindi naman natakot,” sabi ni Ayla, “Zyl!” sigaw niya.
Tinangka akong tuklawin ng ahas pero mabuti na lang at nakaiwas ako. f**k! Magagamit ko yata ang bilis ko rito sa basketball. Tangna! Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong pangyayari. Letseng aswang na 'to. Kapag siya nahawakan ko pagbubuhulin ko siya!
“Ayla, buhay ka pa ba r'yan?” biro ko sa kabila ng kaba ko sa dibdib.
“O-Oo!”
Napangisi ako habang hindi inaalis ang mata sa ahas. Mabuti na lang at hindi pa namamatay ang ilaw ng kandila.
“Ayla, subukan mong kumuha ng asin. Dahil kong aswang talaga 'tong sa harap natin matatakot siya. Bilisan mo lang,” bulong ko kay Ayla.
Mabilis naman siyang umalis sa likuran ko. Nakita kong sinundan ng tingin ng ahas si Ayla.
“Opps! d'yan kalang. Huwag siya kung hindi lagot ka sa akin...Goyong.”
“Ssssssssssss!”
Bigla niya akong tinuklaw at mabilis ko siyang nahawakan bago pa lumanding ang mga ngipin niya sa mukha ko. Hawak ko siya malapit sa ulo habang nakabuka ang bibig niya at panay ang labas ng dila. “Lagot ka sa akin ngayon!”
Hinuli ko rin ang buntot niya para hindi na siya makawala sa akin.
Mahigpit ko siyang hinawakan sa kabila nang madulas nitong katawan.
“Zyl!” sigaw ni Ayla na may dalang isang tabo na asin, “galing mo talaga, Love. Dalhin mo na 'yan dito!”
Dumakot si Ayla ng asin at pinagsasaboy sa ahas.
“Teka, Ayla. Sandali. Tigilan mo 'yan!” saway ko habang panay ang dakot niya sa asin at sinasaboy sa amin. Unti-unti nang dumudulas ang ahas sa kamay ko dahil sa malakas na puwersa nito. “s**t!” mura ko nang nakawala ang ahas at mabilis na nakahanap ng daan palabas ng bahay.
“Nasaan na?” nanginginig ang boses na tanong ni Ayla.
"Ikaw kasi! Bakit mo naman ako pinaliguan ng asin? Aswang ba ako, ha?" inis na wika ko kay Ayla.
"S-Sorry naman."
“Jusmiyo, Ayla! ano’ng nangyari dito?” tanong ng Lola ni Ayla na nakatayo na sa likuran niya.
“'La. Si- Si...Goyong.”
Nag-isang linya ang mga kilay ni Lola Sat habang nakatingin kay Ayla. “Si Goyong, nandito at nananakot sa inyo?”
Tumango kami ni Zyl.
“Maglagay ka ng asin sa lahat ng bintana. Huwag mong ihulog sa labas dahil matutunaw lang sa ulan.”
Tumalima kami ni Ayla sa inutos ni Lola. Kumuha naman si Lola ng isang bungkos ng bawang at sinabit sa may pintuan. Nilagay namin lahat ng asin sa mga bintana at pinto ng bahay. Kahit maubos ang isang tabong asin bahala na.
Pakiramdam ko ay pinalilibutan kami ng aswang. Nararamdaman ko ang presensya niya sa paligid ng bahay. Iba kasi ang pakiramdam kapag may mga ganoong uri sa paligid. Para akong kinikilabutan na hindi ko maintindihan. f**k! Buong buhay ko ngayon ko lang naranasan 'to! Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa nangyayari. Parang hindi totoo.
Pagkatapos naming maglagay ng bawang at asin ay nakiramdam kaming tatlo dito sa loob ng bahay.
“Zyl, kunin mo nga ang karit doon sa kwarto ng Lolo ni Ayla. Kunin mo na lahat.”
Hindi ko man alam kung ano ang gagawin sa karit ay tinungo ko ang kwarto ng Lolo ni Ayla at kinuha ang karit doon at ibinigay kay Lola Sat. Ang alam ko lang naman ay ginagamit iyon sa pag-aani ng palay.
“Ilabas mo ang talim ng karit. Isingit mo sa siwang ng dingding at pinto. Takot ang aswang d'yan. Hawakan mo ang isa. Kapag pumasok dito sa loob ng bahay huwag kang mag alinlangan gamit iyan sa kanya. Bwisit na aswang 'yan! Nambubulabog ng natutulog!”
Napangisi ako sa sinabi ng Lola Sat. Hindi talaga mawawala ang kuwelang side nito. Kahit sa ganitong sitwasyon ay naisisingit pa rin ang pagbibiro.
“Zyl, huwag kang matutulog, ha,” paalala ni Ayla.
“Opo. Magbabantay lang ako rito,” sagot ko at tiningnan ko siyang naupo sa carpet at yakap ang dalawang tuhod. Tsk. Kawawang Ayla, bakit kasi siya pa ang natipuhan ni Goyong.
Napailing ako. Kawawa naman.
Hindi magtatagumpay si Goyong sa balak niyang gawin sa dalaga. Hindi ko papayagang mangyari iyon!