KAKATAPOS ko lang kausapin sina Lola at Mama rito sa resthouse ni Francis. Marahil ay dito muna kami. Paano, nasunog ang bahay namin doon sa baryo. Saan kami uuwi? Wala ngayon dito ang mga kaibigan kong si Jim at kami lang nina Lola, Mama at JM ang naiwan dahil kailangan din nilang umuwi. Nagkausap na kami ni Marione at nagkalinawan na kami. Ipinasya kong maupo sa isang nakatumbang puno ng mahogany. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nakapag-usap ni Zyl. Mula nang magising ako kaninang umaga ay hindi ko na siya nakita. Di ko alam kung umiiwas lang ba siya sa akin o ayaw lang niya akong harapin. Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip kung ano ang dapat kong gawin ngunit wala pa akong desisyon. Nahahati ang puso at isip ko sa paggawa ng desisyon at naguguluhan ako. Marami na a

