FRANCE Dalawang linggo silang nagsama sa condominium ni Sam. Halos araw-araw rin ang kanilang pagniniig.Gusto na niyang buntisin ang nobya para wala nang magagawa pa ang kapatid nito na pilit na pinaghihiwalay silang dalawa. Tutal , nasa tamang edad na silang dalawa at pakakasalan rin naman niya ang nobya kapag naayos na nila ang lahat. Araw -araw ay maaga siyang gumigising upang ipagluto ang nobya. Nasanay siya noon sa probinsya ,marami rin siyang a lam na lulutuin dahil mahilig ang mama niyang magluto at ang kanyang best friend na si Belyn.Gusto niyang ipakita kay Samara na marunong siyang mag-alaga at nararapat siya para rito. Tuwang tuwa naman ito kapag nagigising na may nakahanda nang pagkain at dahil nga mahilig ito sa pagkain ay puring -puri siya . Pakiramdam niya ay mas ginagan

