Pagbaba ni detective Nugas buhat sa opisina ni Mr. Eathan Hawk ay naglakad lakad muna ito sa palibot ng Building A parking area at tinitignan ang lugar kung saan diumano sinabotahe ang sasakyan nina Allen at Freda.Gusto niyang makatiyak kung maliban sa dalawang CCTV na nakunan ng video sa magkaibang anggulo ay may mga iba pang CCTV na posibleng makakuha pa ng mas malinaw sa area kung saan ginawa ang pananabotahe.Napansin ng detective ang katapat na outlet na may karatulang 'ANYTHING U WANT' isa itong mini store na katulad ng 7/11 at bukas din ito 24/7.Nakatawag sa kanyang pansin ang dalawang CCTV camera na sa tingin niya ay abot nito ang lugar kung saan ipinarada nina Allen ang kanilang sasakyan.Agad niya itong pinuntahan, maraming mga tao doon na halos ay puro kabataan at namimili ng kung ano anong naka-display doon na mga pagkain na karamihan ay mga imported goods na hindi ma identify kung galing Japan o Korea o China.Minabuti ng detective na bumili ng Evian Water although hindi niya sigurado kung ano ang pagkakaiba nito sa normal water dahil ang presyo nito ay mas mataas ng ilang ulet pero dahil nakasanayan narin niyang uminom nito at pakiramdam niya ay mas masarap itong inumin keysa sa mga commercial mineral water ay kumuha pa siya ng extra bottle.
" Puwede ba akong makapagtanong miss? " pakiusap ng detective habang binabayaran nito ang tatlong bottle ng Evian water sa may counter.
" sige po sir ano po ba ang itatanong niyo? " magalang na sabi ng nakangiting casher.
" I just want to know kung functionable pa ba ang mga CCTV camera sa may harapan ng inyong establishment " tanong ng detective sabay itinuro niya ang exact location na tinutukoy niya.
" wait lang po sir ha kasi I'm not so sure kung gumagana pa ba yan o hindi na " honest namang sagot ng kahera.Saglit siyang umalis sa counter at ng muli itong bumalik ay kasama na niya ang isang nagpakilalang manager ng ANYTHING U WANT.
" Good day to you sir, pasensiya na po kung hindi ko rin po masasagot ang tanong niyo dahil wala po ngayon ang manager na incharged sa mga monitoring equipments namin, but you can fill up this questionare po at pakilagay narin po ang inyong concern dito at maging ng inyong contact number and we will call you later para mabigyan kayo ng kabuoang information sa inyong inquiry patungkol dito." magalang na sabi ng isang manager.Matapos namang mag fill up si detective Nugas sa form na ibinigay sa kanya ng manager ay agad din siyang lumabas doon.Pumara siya ng taxi at nagpasya siyang bumalik muna siya sa kanilang opisina at doon nalang maghintay kina Allen at Freda at maging ng kanyang sekretarya na si ms. Lala Morales.
" Saan po tayo sir? " tanong sa kanya ng taxi driver.
" malapit lang boss, sa may kuwan lang sa may SJS CDC BUILDING " maagap na tugon nito sa driver.
" okay sir " pinaandar na nito ang taxi papunta sa direksyon ng SJS CDC BUILDING. Nasa kalagitnaan na sila ng daan ng biglang mag ring ang dala niyang cellphone.Nakaregister doon ang pangalan ni Chief inspector Ronaldo De Vera.
" hello sir Nugas may lakad kaba ngayon? "
" actually kagagaling ko lang sa The Grove inspector at pabalik pa lamang ako sa aking opisina bakit mo pala naitanong meron ka bang kailangan sa akin? " usisa ng detective.
" yayain sana kitang samahan ako para puntahan ang lugar kung saan diumano nag stay si Mrs. Veronica Perez ng halos tatlong araw bago naganap ang pagsabog sa opisina ni Mr. Perez.I want to confirm her personal ALIBI at kausapin isa isa ang mga tao na magpapatunay na naroroon nga siya ng mangyari ang insidente ng pagkamatay ng kanyang asawa. " pagbibigay linaw ni inspector De Vera.
" okay sige sasamahan kita nasaan ka ba ngayon? " kumpirmasyon ng detective.
" nandito ako ngayon sa lobby ng inyong tanggapan hihintayin na lamang kita dito. " Saad ni inspector Devera. Nang mapatingin ang detective sa kanyang suot na relo ay magaalas-dose na ng hapon.
" okay inspector malapit na ako diyan, teka muna kumain ka na ba? "
" hindi pa pero kung hindi ka parin kumakain ay sabay nalang tayong mag lunch may alam akong malapit na restaurant na mura at masarap " tila pang i-enganyo namang nasabi sa kanya ni Devera.Sinang ayunan naman ito ng detective ng biglang kumalam ang kanyang sikmura.
Makalipas pa ang ilang sandali ay magkasama na sina inspector Devera at detective Nugas sa isang kainan na sinasabi ng huli. Isa itong bagong bukas na restaurant malapit sa JP Rizal Street sa Washington kung saan diumano sa lugar na iyon din nag stay ng ilang araw si Mrs. Veronica Perez. Kumbaga ay double purpose ang sadya doon ni inspector Ronaldo Devera.
" kelan mo nadiskubre ang lugar na ito inspector? " tanong ni detective Nugas habang sila'y kumportableng naghihintay sa kanilang inorder na pagkain sa isang bamboo hut o kubo na nagmula pa sa isang bahagi ng Probinsiya ng Pangasinan.Maganda at presko ang ambience ng Lugar at sa estimate ng detective ay mayroon doong mahigit na 20 units na bamboo hut ang naroon na napapalibutan ng sari saring mga halamang namumulaklak.
" nice ambience right detective? aksidente ko lang itong nadiscover ng minsang pumunta ako dito kahapon para puntahan sana ang lugar ng mga taong ito na nasa listahan na ipinakita ko sayo. Pero hindi na ako natuloy dahil biglang umulan sa bahaging ito kahapon kaya minabuti kong ipagpabukas nalang at naisip kong ipagsama ka para makilala mo rin at ma obserbahan ang mga taong ito kung sila ay nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo. " mahabang paliwanag ni Chief inspector Ronaldo Devera.Maya-maya ay dumating na ang napili nilang order na inihaw na pusit at inihaw na bangus na nakalagay pa sa umuusok na sizzling plates. Habang kumakain ay natalakay nila ang nangyaring pananabotahe sa sasakyan nina Allen at Freda at na mention din ng detective ang pagkakadiskubre niya ng CCTV surveillance camera na posibleng nahagip ang activity sa ginawa ng mga culprit sa sasakyan ng dalawa niyang tauhan.
" so anong sabi ng may ari ng sinasabi mong establishment na kinalalagyan ng ibang CCTV camera? " excited na tanong ni Devera.
" unfortunately ay wala ang incharged sa kanilang monitoring equipments kaya bukas ko pa malalaman kung functionable pa ba ang mga iyon o hindi na." tumango si inspector De Vera.
" maitanong ko lang sayo sir Nugas, do you think na ang nangyaring pananabotahe sa kotse ng dalawa mong tauhan ay may kaugnayan sa pagkamatay ni Mr. James Perez? " seryosong tanong ni De vera.
" it seems likely inspector and whoever they maybe I'm sure they are very ruthless and dangerous so kailangan nating mag ingat "
mariin namang pahayag ng detective. Pagkalipas lamang ng tatlumpong minuto pagkatapos nilang kumain ay nagpasya ang dalawa na puntahan ang address na sinabi ni Mrs. Veronica kung saan siya nag stay.Nasa harap na sila ng isang may kalakihan ding bahay na pagmamay ari ng mag asawang CARLOS CHAN at MARILOU CHAN na kaibigan diumano ni Mrs. Veronica Perez.Nang pindutin nila ang doorbell na nasa harapan ng stainless steel na gate ay pinagbuksan sila ng isang lalaking nakahubad at halatang kasalukuyan itong nagka-Carwash.
" nandito ba ang mag asawang Chan? " tanong ni inspector De Vera.
" sino po sila at ano po ang kailangan niyo sa kanila? " tanong ng lalaki.
" mga pulis kami nais namin silang makausap " ipinakita ni Devera ang kanyang CHAPA saka pa lamang kumilos ang lalaki para sabihan ang kanyang Amo.Mga ilang sandali pa ay lumabas buhat sa malaking bahay ang isang lalaki na nagpakilalang si Carlos Chan.
" pumasok po kayo sir at doon po tayo mag usap sa may sala, pasensiya na kayo kung medyo magulo ang bahay " medyo nahihiyang sabi ng Mr. Chan.Hindi akalain ng dalawa na si Mr. Chan ay isang albanism o isang taong ipinanganak na sobrang puti na ang kulay ng kanyang balat ay parang kasing kulay ng papel, may taglay din itong golden brown na mga mata at buhok. Pagpasok nila ng bahay ay nadatnan nila ang kanyang Asawa na si Mrs. Marilou Chan isang normal at kaakit akit na babae.
" hello sir ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo? " panimulang sabi ng babae. Hindi naman nagpaligoy ligoy pa si inspector De Vera at sinabi na niya kaagad ang kanilang pakay sa mag asawa.
" Gusto lang naming kumpirmahin ang mga pahayag ni Mrs. Veronica Perez tungkol sa mga ipinahayag niya sa amin na pananatili niya sa inyong pamamahay within the span of three days, from April 13 to April 15 correct me if I'm wrong. "
tila hindi narin ikinagulat ng mag asawa ang tanong na iyon at sa pakiwari ni detective Nugas ay mukha na itong napaghandaan ng mag asawa bago pa man sila pumaroon. Hinayaan lamang niya si inspector De Vera na siyang manguna sa pagtatanong at minabuti niyang mag observe muna sa kanilang reactions.
" yes sir Tama po kayo, she stays here ng mga nabanggit niyong araw." kalmanteng pahayag ng babae.
" maliban sa inyo mayroon pa bang makapagpapatunay na namalagi siya dito sa inyo sa mga petsa na aking nabanggit? " mariing tanong ni De vera.
" well you can ask all of the people here in our sorrounding area para maniwala po kayo na nagsasabi po kami ng totoo."
muling pahayag ng babae.
" hindi ba siya lumalabas ng bahay while she's here madam? " usisa ni De vera.
" well, we never treat our visitor as a prison here, she managed to go out on her own and after an hour ay muli siyang bumabalik and we don't have the right to question about her whereabouts sir " tugon muli ng babae.
" hindi niyo man lamang ba naitatanong sa kanya kung saan siya pumunta o kaya ay sinamahan man lamang siya ng isang beses sa kanyang pinupuntahan? " mabusising tanong ni inspector De Vera sa tila hindi natitinag na babae.
" well minsan ay sinamahan ko rin siya kung iyan ang gusto mong tanungin sir "
banayad na sagot ng babae.
" in what particular places naman kayo nagpunta madam? "
" we go shopping at the mall and doing groceries as well and aside from that ay wala na akong maalala na iba pang ginawa namin maliban sa aking nabanggit." mariing pahayag ni Mrs.Marilou Chan na tila tinuldukan na nito ang kanyang pahayag.
" we never believed the allegations na may kinalaman si Veronica sa pagkamatay ng kanyang asawa " sa wakas ay nasabi din ni Mrs. Chan ang totoong nararamdaman nito. Sa maikling pagsusuri ng detective kay Mrs. Marilou Chan ay napansin niya ang pagkakaroon nito ng kakaibang features sa kanyang mukha at hindi man siya experto sa bagay na ito pero may pakiramdam siya na ang nakikita niyang panlabas na kagandahan nito ay hindi bunga ng katalagahan kundi bunga ito ng modern technology na kayang idevelop ang mga flaws and imperfections ng kahit na sinong mag undergo nito. Sa isipan ng detective ay may napakatibay na ALIBI si Mrs. Veronica Perez and what he saw and heard was sufficient enough to disproved her guilt.Mr. James Perez death was dramatically designed to confused the human mind.Pero hindi makakapayag si detective Nugas na manatiling gayun ang sitwasyon, kailangan niyang alamin ang buong katotohanan upang ilantad ang tunay na kulay ng totoong kriminal.