Muling nag ring ang cellphone ni Lala at doon pa lamang siya tila natauhan ngunit pagmulat ng kanyang mga mata at nasumpungan niya ang lalaki na nakatingin lamang ito sa kanya. " are you okay Lala? " tanong sa kanya ni Sam. Nagkaroon tuloy siya ng kalituhan ng mga sandaling iyon kung talaga bang hinalikan siya ni Sam sa kanyang labi o nagi-imagine lamang siya?. Nahihiya naman siyang magtanong sa lalaki dahil baka kung anong isipin niya. " I need to go home now Sam, tumawag na kasi ang daddy ko and he told me to get back home as we both agreed " kunwang paliwanag ni Lala. " okay ihahatid na kita sa inyo Lala " maagap na sabi ng lalaki. Hindi naman kaagad nakaimik si Lala at iniisip na mabuti ang kanyang isasagot sa alok na iyon ng lalaki. Maging sina Allen at Freda man ay hindi rin kaaga

