Palihim na sinundan ni detective Freda ang sasakyan ni Veronica. Gusto niyang alamin kung saan ito pupunta at kung sino ang sinasabi niyang ka transaction niya na siyang dahilan kung bakit hindi nagtagal ang pakikipag usap nina Sam at Lala sa kanya. Nagtuloy tuloy lamang ang sasakyan ni Veronica at sa isipan ni Freda ay mukhang wala itong balak tumigil at mukha ngang nagmamadali. Nang mga sandaling iyon ay nakabalik narin si Allen sa apartment na kanyang nirentahan malapit lamang sa tahanan ng mga CHAN na nais pasubaybayan sa kanya ng kanilang head. Muli siyang pumuwesto sa may bintana habang nilalantakan niya ang binili niyang yogurt sa isang convenience outlet. Paminsan minsan ay sinisipat din nito ang lugar gamit ang kanyang digital high-powered binoculars. Subalit nanatiling walang

