Nakatayo sa may bungad ng pintuan si Lala at katulad din nila ay gulat na gulat din siya pagkakita sa kanila kasama si Sam Samonte. " Oh my goodness Lala where have you been? akala namin ay may nangyari na sayong hindi maganda. " puno ng pangambang pahayag ni Allen gayunman ay naibsan ang takot na namumuo sa kanilang dibdib pagkakita kay Lala. " I'm so sorry kung pinag alala ko kayo Allen, Freda... pero sa pagmamadali ko kanina ay nakalimutan ko rin pati ang susi ko sa loob nitong kuwarto " nahihiyang sabi ni Lala. Hindi narin niya kailangan ng maraming paliwanag dahil sa suot niya na tila galing lang ito sa labas para magjogging. Nakasuot ito ng jogging pants at canvas shoes at naka hanging shirts na litaw ang pusod. Pawisan din ito katunayan na naging puspusan ang kanyang naging exer

