Halos tumagal ng isang oras ang isinagawang surprised check up sa lahat ng mga empleyado ng Ospital ngunit nabigo silang makita ang kanilang hinahanap.Nakaramdam ng di kawasang relief si Doctor Matias.
" Salamat po Doctor Matias sa inyong cooperation, now we can confidently say na ang Culprit ay wala po sa inyong hanay kundi ito ay kagagawan ng isang outsiders." buong tiwala na pahayag ni Allen.Minsan pa ay muli nilang tinunghayan ang mga sumunod na eksena.Pagkaalis ng nurse na may taglay na tattoo na maituturing na senyales na siya ang outsider culprit na tinutukoy ni Allen. Pagkalipas lamang ng halos tatlong minuto pagka alis ng culprit ay pumasok naman doon si Mrs. Amanda Olivarez at umupo sa tabi ng kanyang asawa at maya maya lamang matapos niyang makita ang pag-iiba sa awra ng kanyang asawa ay kitang kita sa video ang kanyang pagpa panic. Nagsi- pasukan naman doon ang ilan sa mga concerned staff upang alamin ang nangyayari sa nagpa panic na si Mrs. Olivarez.
Muling inulit ng dalawang detective na panoorin ang video from the beginning up to end kung saan na i- declare ang pagkamatay ni Mr. Olivarez. At buhat naman sa mapanuring mga mata ni Detective Freda Parazo ay nahagip ng kanyang paningin ang magiging susi ng pagkakatuklas kung sino talaga ang may kagagawan ng pagkamatay ni Mr. Dave Olivarez. Sa part ng video ay saka pa lamang lumabas ng room ng pasyente ang kanyang kabit ng dumating ang tunay na asawa ng pasyente na si Mrs. Amanda Olivarez.Kita sa video na halos hindi nagpansinan ang dalawang babae at buhat doon at kaagad na hinila ng kabit ni Mr. Olivarez ang kamay ng batang lalaki palabas ng Ospital.At mula doon ay hiniling ni Freda na i-paused sa bahaging iyon ang video. Nasa akto na ang kabit ni Mr. Olivarez para humakbang palabas ng silid at doon sa bahaging iyon ay ipina zoom in naman iyon ni detective Freda.
" paki zoom mo nga rin sir sa bahaging iyan at i-focus mo ang bahaging batok ng babae." halos excited namang tinugon iyon ng operator at halos walang kumukurap ng mga sandaling iyon.Tulad nga ng inaasahan ni Freda ay tugmang tugma nga ang tattoo ng kabit sa nurse na siyang responsable sa pag inject ng ketamine sa pasyente na siya niyang ikinamatay. Everyone in the room was stunned at halos hindi makapaniwala ang mga ito na ang babaeng palaging nagbabantay kay Mr. Olivarez na siya ring kabit nito ang nagpanggap bilang nurse at siya ring kumitil sa buhay ng pasyente.
" OMG how could she do that! " malakas na pahayag ng isang staff at hindi napigil ang sarili na makapag react sa kanilang natuklasan.
Samantala ay nakipag kita si detective Leumas Nugas sa may ari ng THE GROVED ayon narin sa pakiusap nito sa detective. Minarapat ni MR. EATHAN HAWK na magkita ang dalawa sa isang pribadong lugar kasama ng kanyang personal secretary na kanya ring Anak.
" Thanks detective sa iyong maagap na pagtugon sa aking imbitasyon " pambungad na pahayag ng may ari ng THE GROVED na si Mr. Eathan Hawk.Nagkamayan ang dalawa.Nakamasid lamang sa di kalayuan ang kanyang anak na si Ms. Lala Hawk.Nagkaroon sila ng mahabang talakayan patungkol sa suhestiyon ng detective noong nagdaang araw.Ngayon ay pumapayag na si Mr. Hawk sa kanyang naisip na plano para lituhin ang kaniyang kaaway at upang iligtas din ang kanyang sarili sa tiyak na kapahamakan.
" Are you sure you want to do this Mr. Hawk? " tanong ng detective sa may ari ng THE GROVED.
" Well kung ito ang sa tingin mo ang makabubuti sir Nugas why not? " sagot naman ni Mr. Hawk.
" Basta tandaan mo Mr. Hawk na ang gagawin natin ay hindi 100% na tiyak na magagawa nating ma trace kung sino ang nasa likod ng mga poison letter na laging ipinapadala sayo but we can try this as an experiment.Kailangan mong mag ensayo kung ganoon." napapangiting sabi ni Detective Nugas.
" well I can do a little drama if the situation calls for it at nakausap ko narin ang aking private doctor para sa gagawin nating palabas and I'm so excited for the outcome what ever the results. Pero umaasa rin ako na sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang lalo pang pagdanak ng dugo dahil lamang sa kasakiman ng iilan sa salapi." seryosong pahayag ni Mr. Hawk.
" Maiba lang ako Mr. Hawk may personal ka bang pinagsususpetsahan sa mga tauhan mo na siyang may kagagawan ng pananakot sayo na katulad ng ginawa kay Mr. James Perez." tanong ng detective.
" Honestly sir Nugas ay wala akong ma- pinpoint isa man sa kanila even the most obvious person na nagpapakita ng hindi ka nais nais na attitude lately ay hindi ko masabing may kinalaman siya sa mga poison letter na ipinakita ko sayo. I think this should be the most scariest thing that I've ever experienced, yung pakiramdam na nasa paligid ko lamang ang taong gustong pumatay sa akin pero hindi ko naman matukoy kung sino sa kanila " seryosong pahayag ni Mr. Eathan Hawk.
" puwede ko ba malaman kung sino itong sinasabi mong nagpapakita ng pangit na attitude lately na isa sa mga tauhan mo? " usisa ng detective.
" My presiding CEO na si Mr. Dwight Arevalo " tugon naman ni Mr. Hawk.
" Maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit mo nasabi na nakikitaan mo siya ng ka nais nais na attitude lately " interesadong tanong ng detective.
" He seems confident at parang gusto niyang i-divert ang buong issue at isisi kay Mr. James Perez na siya diumanong master mind sa pagkawala at pagkaubos ng pera sa kabang yaman ng THE GROVED at gusto din niyang tindigan na kasabwat din dito si Mr. Olivarez kasama ng ilan pang board of directors na ayaw naman niyang pangalanan." paliwanag ni Mr. Hawk.
" Sino naman sa mga tauhan mo ang sa tingin mo ang may pinaka imposibleng ma-involved sa nangyayaring anomalya sa iyong kumpanya Mr. Hawk "
" Honestly ang alam kong walang masamang tinapay sa mga tauhan ko sa THE GROVED ay ang aking itinalagang COO na walang iba kundi si Mrs. Kelly Morgan Wilder. " naalala ni detective Nugas ang mga salaysay sa kanya ni detective Freda tungkol sa pahayag nito na maituturing pa ngang late hero si Mr. James Perez sa nakatakda sana niyang pagbubunyag sa pagkakadiskubre niya ng EMBEZZLEMENT sa loob ng kumpanya kung hindi lamang siya pinatahimik ng totoong master mind.
" How about the entitled benifits na maaaring makuha ng nag-iisang benificiary ni Mr. Perez? " hindi maiwasang itanong iyon ng detective.
" Napirmahan ko na ang recommendation for release ng mga board of directors at hanggat wala akong nare-received na complaints against Mr. Perez and Mrs. Veronica Perez before the end of the month ay makukuhang lahat ni Mrs. Veronica Perez ang lahat ng mga benipisyo na entitled sa kanya bilang pangunahin at nag iisa ring benipisyaryo. Otherwise maaari kaming makatanggap ng sunctions sakaling maghabol ang kampo ni Mrs. Perez dahil sa patuloy naming pag-hold sa nasabing mga benifits." paliwanag ni Mr. Hawk.Nasa gayon silang kalagayan ng biglang nag ring ang cellular phone ni Mr. Hawk at ibinabalita ng nasa kabilang linya na may masamang nangyari kay Mr. Dwight Arevalo.