Maga alas otso na ng gabi ng makasapit ang sinasakyang kotse ni Sam sa pamamahay ng mga Perez. Si Veronica na mismo ang nag initiate ng pagbusina at maagap naman na pinagbuksan sila ng kanilang bata pang katulong na si Elena. " Good evening po mam Veronica, good evening din po sa inyo sir." magalang na sabi ng katulong. Nginitian naman siya ni Sam Samonte pero walang imik naman si Veronica habang nakaalalay parin sa kanya si Sam papasok sa may mansion. Maingat siyang inakay ni Sam sa loob ng maluwang na mansion at inilagak siya nito sa isang eleganteng sofa. Hindi mapigil ni Sam na humanga sa laki at rangya ng mansion lalo na ang interior designs. " this house is so huge how can you managed to maintain it? " tila wala sa loob na nasabi iyon ni Sam. Nang muli itong lumingon sa nakaupong s

