“Yes, Tita, I’m pregnant.” Matatag na anunsyo ni Scarlett na siyang gumimbal sa akin. Kahit alam ko na ang susunod niyang sasabihin ay iba pa rin sa pakiramdam kapag narinig mo mismo ang mga salitang iyon. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa matinding kapighatian. “Oh my God!” Naibulalas ng aking biyenan na kulang na lang ay himatayin ito sa sobrang kasiyahan, na para bang ito na ang pinakamagandang balita na narinig niya sa buong buhay n’ya. Habang si Hanz ay nanatiling nakatulala sa kawalan dahil tila pinoproseso pa lang ng utak nito ang mga narinig mula sa dalaga. Ilang sandali pa ay tila winasak ang puso ko ng gumuhit ang labis na kasiyahan sa mukha ng aking asawa at kita ko kung paano niyang yakapin ng mahigpit si Scarlett. Habang silang tatlo ay nagsasaya sa loob,

