THE MAYOR'S VIRGIN MISTRESS Mayor Alder Kalantri Evora Chapter 31 “SA SALA na lang natin hintayin si Alder, Kuya. Tara na.” Hila ni Freya ang manggas ng damit ng kapatid habang iginigiya ito pabalik sa ibaba. Iniiwasan ni Freya na salubungin ang nanunuligsang tingin ni Osiris. Baka kasi bigla na lamang siyang bumulagta sa pasilyo oras na makita niya ang matalim na titig ni Osiris sa kanya. Idagdag pa ang nangyari isang minuto lang ang nakalilipas na nabungaran nila ang hindi kaaya-kaayang estado ni Alder. Ugh! Hindi niya maintindihan ang trip ni Alder at bakit nakahubad ito at nasa estado na tila ba ready to fight na ito. She felt something pulse in her core as the vivid image of Alder’s hard c**k in its standing ovation position lingered in her thought. Well, para sa kanya ay sobra

