I'D LOVE TO DEDICATE THIS CHAPTER TO MARYJOY GALDO ACAP. Maraming salamat sa supporn ? THE MAYOR'S VIRGIN MISTRESS Mayor Alder Kalantri Evora Chapter 29 NAKAHANDA na si Freya na umalis dahil sasama siya kay Nanda na mag-grocery. Si Nanda ay ang bagong kasambahay nila na kinuha ni Osiris para may makakasama si Freya sa bahay nila. “Hija, may bisita ka,” ani Nanda na nakasalubong pa niya na akmang paakyat din ng hagdan. Nasa mukha nito ang hindi maipagkakailang excitement. “Sino ho, Ate Nanda?” takang tanong niya. Wala naman siyang maalala na mayroon siyang inaasahan na bisita. She has no one to call a true friend who would be checked on her. Maliban na lang kung si Alder iyon. Nakabalik na kaya ito mula sa tatlong araw na council meeting sa Maynila? Nakapag-usap na sila ni Alder sa

