THE MAYOR'S VIRGIN MISTRESS Mayor Alder Kalantri Evora Chapter 36 MABILIS ang pagtaas-baba ng dibdib ni Alder habang hinahabol ang kanyang paghinga nang huminto siya sa tapat ng pinto ng silid ni Freya. Magkahalu-halong emosyon ang nagsisirko sa puso niya sa mga sandaling iyon. Namamayani roon ang walang mapagsidlan ng galak. Parang gusto niyang magsumigaw sa tuwa, maiyak ng malakas at ipagyabang sa mundo na magiging ama na siya. Na magiging ama siya ng anak ng babaeng pinakamamahal niya. Jesus! He was trembling as f**k. Alder already feels the greatest glory of life. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang kabutihan para pagkalooban siya ng ganoong uri ng kasiyahan. Nasa walk-in closet si Freya nang pumasok sa kanyang silid si Alder. She prepared her sleepwear and underwear. N

