THE MAYOR'S VIRGIN MISTRESS Mayor Alder Kalantri Evora Chapter 45 “Tato?” Napahagikhik si baby Aalijah. Ikinukuwento ni Freya sa anak na malapit na silang makauwi. She knew in her heart that she wasn't lying to her son. Magsusumikap siyang tuparin ang pangakong iyon kay baby Aalijah. “Yes, anak, it's your Tito Osiris. Nasa bahay natin siya, he's waiting for us, Aali. Hinihintay lang tayo ni Tito mo. Maniwala ka kay Mommy, anak. May maayos na buhay na naghihintay para saiyo sa Pilipinas. Doon ay makakapag-play ka na kasama si Mommy, baby. Makakapag-play na tayo together. ‘Di ba, you want that always?” Sumasakit ang loob ni Freya sa tuwing sumasagi sa kanyang isip iyong mga panahon na umiiyak si Aalijah sa labas at tinatawag siya para isama sa paglalaro nito. Hindi naman maipaliwanag n

