Chapter 1

1599 Words
Chapter • One Napabuntong hininga ako nang maabutan sa labas ng restobar namin ang sandamakmak na bulaklak. Ano bang akala ni Miller sa akin? Patay? Narinig ko ang halakhak ni Noreen mula sa likod. Masama ko siyang nilingon. Lalo lamang siyang natawa. "Sorry naman. Grabe na kasi 'yang manliligaw mo. Eh mukhang may balak 'yong gawing flower shop 'tong Olympus sa dami ng pinapadalang bulaklak araw-araw." Untag niya habang hindi pa rin mapigilan ang tawa. Napairap na lamang ako. Hinawi ko ang ilang bouquet para mabuksan ko na ang restobar. Dumiretso kaagad ako sa bar counter at nagsalin ng isang shot ng tequila sa shot glass. Tumalim ang tingin sa'kin ni Noreen. "Binibining Shantal, gusto ko lang hong ipaalala sayong alas nwebe pa lang ng umaga." Nakataas ang kilay niyang sabi. Ngumisi lamang ako saka ko ibinalik sa lalagyan ang bote ng alak. Sumandal ako sa edge ng counter saka ko inilabas ang phone ko. Napabuntong hininga ako nang makita ang sandamakmak na mesaages mula kay Miller. Naramdaman ko naman ang pagtabi ni Noreen at ang pagsilip niya sa screen ng phone ko. Binuksan ko ang pinaka-latest na text ni Miller. Miller: Fresh red roses for the love of my life Napairap ako sa kawalan. Love of my life my ass! Kaagad akong nagtipa ng reply sa kanya. To Miller: Thanks but you should stop sending me flowers. Hindi mo ba alam na allergic ako sa pollens? And I already told you. I like someone else. You're just wasting your time. Wala pang isang minuto ay kaagad na dumating ang reply niya. Miller: And I already told you, too that I really like you. Hindi ako kaagad sumusuko sa mga gusto ko. Napairap na lang ako sa nabasa. Pinatay ko na lang ang phone ko at itinago sa bag ko bago ko nilingon si Noreen. "Alam mo, Shan. Hindi talaga kita maintindihan. Gano'n ka ba nadala no'ng iwan ka ni Ynigo dati? Pogi naman si Miller, mayaman, tsaka mukha namang seryoso siya sayo. What's not to like?" Kunot-noo niyang tanong. Tinalikuran ko siya at naglakad ako papunta sa mga upuang nakapatong sa mesa para ayusin na ang mga ito. "This isn't about Ynigo. Alam mo naman 'yon eh." Untag ko. Narinig ko ang paglakad niya patungo sa ibang mga upuan. Sinimulan na rin niya ang pag-aayos sa mga ito. "E'di sino? 'Yong mystery guy mong pagkatapos sabihing sa kanya ka na eh bigla na lang naglahong parang bula pagmulat mo? Come on, Shantal. Four and a half years na ang nakalipas. Magmula no'n hindi ka na ulit nakipagdate. Hindi mo ba naisip na baka guni-guni mo lang 'yong tungkol sa lalake? I mean, broken hearted ka no'ng araw na 'yon. Baka gawa-gawa lang 'yon ng isip mo para hindi ka na masaktan." Napahinto ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya. Nagpamewang ako at tinaasan siya ng kilay. "Ano namang akala mo sa'kin, baliw? Excuse me, ano! Hanggang ngayon nasa leeg ko pa rin 'yong marka ng kagat niya." Marahas siyang bumuntong hininga. "Anong klaseng tao naman ang kayang kumagat ng ganyan? Ano ba 'yong mystery guy mo? Bampira?" Mapanghamon niyang tanong. Ako naman ang napabuntong hininga. Kinuha ko ang isa pang silya saka iyon ibinaba para maayos. "Basta naniniwala akong totoo siya, Noreen. This mark is enough proof that he really showed up in the middle of the road that afternoon." "Okay, sabi mo eh. Sana lang ho mahanap mo na 'yang mystery guy mo bago ka pa maging matandang dalaga. Mauunahan pa yata kitang mag-asawa." Nakangisi niyang sabi. Inirapan ko na lamang siya saka ko siya tinalikutan para ayusin pa ang ibang upuan. Two years ago nang maitayo namin ni Noreen ang Olympus. It's a restobar that also offers live acoustic performance since Noreen is gifted with a sweet voice. Gaya ng prediction ng magaling kong kaibigan, hindi ako pinayagan ng mga magulang kong magpunta ng Remorse para mag-aral pero hinayaan naman nila akong kunin ang kursong gusto ko. Nang makatapos ako ng two-year bartending course, dinagdagan ni Papa ang ipon ko para makapag-invest kami ni Noreen sa pangarap naming negosyo. Nakatulong din ang negosyo para hindi ako masyadong madepress kakaisip sa lalakeng bigla na lamang naglahong parang bula matapos niyang ibulong sa akin ang mga katagang, I'm a cursed beast...and you are now mine. Ni hindi ko nga alam kung anong ibig niyang sabihin. Matapos naming maiayos ang buong restobar ay binuksan na ni Noreen ang sign. Ilang minuto pa ay dumating na si kuya Rolly, ang cook, at dalawa pang waitress namin. Si Noreen ang namamahala sa kaha kapag hindi pa siya tumutugtog habang ako naman ang sa bar. Sa loob ng dalawang taon, maayos naman ang naging takbo ng negosyo namin. I guess when you're really passionate with what you're doing, you will always succeed. This is our first business at awa ng Diyos, nagclick naman. Habang lumilipas ang oras ay dumarami na ang customers. Karamihan sa mga ito ay ang mga suki na ng Olympus. May ilang kabataan, pero marami ring kaedaran namin ni Noreen na sa Olympus nagtatanggal ng stress sa kanilang mga trabaho. Abala akong gawin ang order na smoothie ng ilang customer nang tumunog ang bell ng pinto senyales na mayroong pumasok. Kaagad nabaling ang tingin ko sa sa dumating. Naupo siya sa bar area at ngumiti. "Shan, isang bote nga diyan." Ani Zon. Ngumiti ako saka ko pinunasan ang kamay ko bago ko kinuha sa chiller ang isang bote ng beer. Binuksan ko ito at iniabot sa kanya bago ako lumabas ng counter at naupo sa tabi niya. "Aga mo yatang mag-inom ngayon? Wala ka bang pasok mamaya?" Untag ko. Umiling siya saka tinungga ang bote. "Wala naman. Gusto ko lang mag-unwind. Nakakastress na sa trabaho. Daming guests ngayon." "Ah. Eh si Maddie kamusta? Madalang na silang dumaan dito ni Chad. May chocolates pa man din akong binili para sa batang 'yon." Muli siyang uminom sa kanyang beer. "Stressed out siya lately. Ewan ko ba, siguro naiisip niya 'yong tatay ni Chad. Mag-aapat na taon na si Chad next week at ang wish ng bata makita ang tatay niya." Malungkot niyang sabi saka niya ihinilamos ang palad niya sa kanyang mukha. Bumuntong hininga ako. "Ewan ko ba diyan kay Maddie. Nandyan ka naman hindi na lang ikaw ang piliin. Kung tutuusin ang swerte na niya sayo at close ka kay Chad." Mahina siyang natawa saka umiling. "Mas mabuting magkaibigan na lang kami, Shan. Mahirap makipagkompitensya sa isang taong hindi man niya kasama, alam mo namang sobrang mahal na mahal niya." Natatawa kong ginulo ang kanyang buhok. "Eh'di lumabas din ang totoo? May gusto ka nga sa bestfriend mo." Humalakhak ako. Natawa na lang din siya. "Sira ka talaga. Hindi na mahalaga 'yon. Masaya na akong ganito kami. Atleast sa friendship walang break up pero may forever." Tumawa siya. Muntik ko na siyang makutusan sa sinabi niya. "Forever mong mukha mo. Sige na, uminom ka lang diyan. Lunurin mo 'yang martir mong puso." Natatawa kong sabi bago tumayo at muling pumasok sa bar. "Nagsalita ang babaeng walang boyfriend dahil sa lalakeng hindi niya naman kilala." Humalakhak siya saka tinungga ang bote ng kanyang beer. Dinampot ko ang basahan saka iyon ibinato sa mukha niya. "Tse!" Humalakhak lamang siya nang masalo niya ito. Napailing na lamang ako saka ko siya inirapan. Halos isang oras na ring nakatambay si Zon sa bar nang magsimula ang unang set ni Noreen. Kaagad siyang umikot para panoorin itong kumanta. Ako naman ay nagpangalumbaba sa bar counter. "Bucket full of tears baby know I'm here, I'm here waiting. Close your precious eyes and just realize I'm still fighting..." Natigilan ako nang marinig ang malamig na boses ng kaibigan ko. Paborito ko pang kanta ang kinakanta niya at mas maganda pa ang version ni Noreen kesa sa original. Isa siya sa dahilan kung bakit malakas ang restobar namin. "Wake up feel the air that I'm breathing, I can't explain this feeling that I'm feeling. I won't go another day without you..." Ipinikit niya ang mga mata niya saka ninamnam ang bawat lyrics ng kanta. She's really in love with music. Something that makes her even more successful. Madalas sabihin ng parents niya na ang success ay measured by monetary value. But for Noreen, success is when you finally found your passion--and fall in love with it. Success is happiness, dahil ang sayang kayang ibigay ng bagay na gustong-gusto mong gawin, kahit kailan, hinding-hindi matutumbasan ng pera o kasikatan. Bonus na lang ang mga bagay na 'yon kung sakali. Inilapag ni Zon ang wala nang lamang bote sa harap ko saka siya sumenyas ng isa pa. Tumango ako saka ko dinampot ang bote. Maglalakad na sana ako papunta sa chiller nang bumukas ang pinto ng bar. Nabaling ang tingin ko sa lalakeng pumasok. Parang biglang tumigil ang mundo ko nang matitigan siya. Nagmature na ang itsura niya at mas gwumapo pa siya ngayon kahit hindi nagbago ang ayos ng kanyang bagsak na buhok. Tumaas ang isang kilay niya. Nanlaki ang mga mata ko at nabitiwan ko ang bote ng beer. Bumagsak ito sa semento at nabasag. Hindi ako nakagalaw nang makitang nakapako rin sa akin ang kanyang mga mata. Unti-unting sumilay ang isang makahulugang ngisi sa kanyang labi. Bigla na lamang nagwala ang dibdib ko. Diyos ko, totoo nga siya. Nandito siya... ****** Song: Without you by AJ Rafael Celest's all time favorite. Haha! Add me on f*******: (Celestine Lemoir). You can also join Celestine Lemoir's Wolves (CLS Group for readers). How's fafa Jace so far? You can call him Alex, Alexander, Xander, or Jace. Mas comfortable kasi ako sa Jace kaya Jace tawag ko sa kanya. Haha! And yeah, sa part na 'to nasa Himofilia pa sina Meiko at Chad. Broken pa si fafa Pearce. Hahahaha! More chapters soon! Thank you for visiting Remorse. 'Til next update, luv, baby, babe, and darling! (Immitates the Alphas' voices.lol)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD