Artemis Thaleia's Pov "Bakit?" Taas kilay na tanong ko kay Alectrona nang mapansin ko ang seryosong pagkakatitig nito sa 'kin habang tinatahak namin nina Vanticus ang daan papunta sa helipad kung saan naghihintay ang chopper na maghahatid sa 'min sa kalapit na isla. "Nakita kong pumasok ng kwarto mo si Ravier kagabi," anito na hindi na narinig pa ni Vanticus dahil mas nauuna ito sa 'ming dalawa sa paglalakad. I shrugged my shoulder and smirked at her as I bore a lazy glare. Kaagad na sinuklian nito ang panghahamon ng aking mga mata. "And you're implying?" I stopped walking and face her completely. Inirapan ako nito at lalampasan na lang sana nang harangan ko ang direksyon na lalakaran n'ya. She stride to take another direction to walked passed through me and yet I

