Third Person's Pov "This is the headquarter of Wildlife conservation that the miscreant is funding since the beginning of time," sabi ni Mallory kay Artemis nang papahinto na ang sinasakyan nilang Wrangler sa tapat ng isang parisukat at konkretong gusali. Sumulyap si Artemis sa bintana at kaagad na natanaw ang sinasabing gusali ni Mallory. Kulay puti ang kabuan nito at ang bubong naman ay kulay pula, isang signage rin ang malinaw mong makikita at mababasa sa may buong kung saan nakalagay ang 'M. Wildlife Conservation,' at iilan pang impormasyon patungkol rito. Bukod sa headquarters ay maninilaw na may kahabaang damo ang pangunahing makikita sa paligid, maalikabok ang hindi semantadong kalsada na naging dahilan para maging marumi na rin ang apat na Wrangler na sinasakyan

