confession

2429 Words
Jane Pov ilang bwan ko na napapansin si Jerome na lagi parang naka abanIlangg sa labas ng Bahay. At lagi sumasama sa akin sa palengke kapag Wala Sya pAsok sa trabaho. Kapag nasa trabaho naman Sya ay panay text Ng mga sweet messages.. Nagising Ako sa pag iisip ko Ng tumunog Ang cellphone ko. Tinignan ko Kung Sino Ang nagtext..at napa ngiti ako at parang nag init Ang punong Tenga ko..nang nakita ko Sino Ang nag text.. Hala at bakit ganito ako excited ako ako sa tuwing nag text si Jerome.. Jerome: good morning Ako: good morning din ? Jerome: kamusta ka na? Ahh, Jane pwede ba ako pumunta sainyo sa sabado? Bigla naman bumilis t***k Ng puso ko sa text ni jerome gusto nya pumunta sa Bahay sa sabado.. teka lagi naman Sya Nagpupunta sa Bahay ha.pero bakit parang iba Ito.? Ako: huh?! Ok lang naman. Parang naramdaman Kung namula Ang pisngi ko ☺️☺️ Jerome: nag almusal ka na ba? Tinignan ko Ang wall clock 6:30 am Ang aga naman pala nito magtext.. hummpp..parang iba pakiramdam ko ah! Ako: ah Hindi pa ei, kagigising ko lang Jerome: may ipadadala ako dyan.sana Yun Ang kainin mo sa breakfast mo.at Sana magustuhan mo, ako nag luto nyan. Ako: naku! Nag abala ka pa, Hindi bat may pAsok kapa sa trabaho ngayon? Jerome: ah oo,ok lang naman sa akin tyaka isa pa lagi naman ako nag luto dahil babaunin ko sa trabaho. Naisip Kita at baka kako magustuhan mo din. Ako: ah ganun ba, nakakahiya man pero salamat ha! Sige Yang binigay mo Ang kainin ko. Jerome:bye Jane, see you on Saturday! ? Nagulat ako Ng may emoji sa dulo at may pagood bye kiss with heart pa.. kinilig naman ako Bigla Ako: bye din ingat Jerome. Bumaba na ako at nagtungo ako sa kusina para isalin sa Plato Ang pinadala ni jerome.. Ummm infernes ha, masarap pala Sya magluto... Ilang oras nakalipas at natapos kona din Ang gawaing Bahay at maghanda na rin ako sa pag pAsok sa school. Ate pasok na ako, may iniwan daw si papa na pera para sa Baon ko at pangbayad sa project ko. Oo Meron, pero nabawasan ko kasi binili ko Ng gatas Ng pamangkin mo. Sabi ni ate. Nanlumo ako dahil kulang na Ang pera,diko alam Kung magkakasya Ito..siguro Hindi nalang Ako kakain sa break time para magkasya at makabayad sa project ko . Naglakad na ako papunta sakayan, nakita ko si jerick at Ang iba namin kaibigan nag biruan at may Kasamang batang babae. Oo nga pala naging mag kaibigan na kami ni jerick, lagi narin kami nag bibiruan At sa tuwing nakikita Ako ni jerick lagi nya pinipisil Ang ilong ko.. sinamahan din nila Ako hanggang sa sakayan mga baliw..Basta nalang iniwan Ang babae at pinagkukuha Ng mga baliw kung kaibigan Ang mga Dala ko, Kay jerick Ang shoulder bag ko at Ang mga libro ko ay pinaghatian Ng dalawa pa namin kaibigan.. Nanliligaw ba Sayo si Jerome?tanong ni vin Ha?hi..Hindi no!nabubulol kung sagot. EI Hindi naman Kasi talaga nanliligaw SA akin yun Sabi ko Sa sarili ko. Lagi ko kaya nakikita na inaabangan ka lagi ni Jerome..dugtong ni vin Bigla Sila nag tawanan at inaasar Ako ni vin at Mike, samantalang si jerick ay tahimik lang at halata mong peke Ang ngiti. . Hmmp Ewan ko nga sa inyo..inis kung sagot! Nagulat Ako bigla hinawakan ni jerick Ang pulsuhan ko at bigla patakbo kung maglakad akong hinila. Dalian mo pangit! Sabi ni jerick Huh?!PANGIT!! Pangit tawag SA akin ni jerick. Pangit ba Ako?tanong ko SA sarili ko. Pasakay na ako Ng jeep at inabot na nila ang mga gamit ko. Ang cute mo talaga pangit sabay pisil sa ilong ko ni jerick. Ingat ka pangit ha! Sabi ni jerick Sige salamat!nginitaan ko lang silang tatlo at kumaway sa kanila Uuuuyyy ano Yan ha!!asar Ng dalawang mokong Kay jerick.. Sabado: Dumating Ang araw ng sabado at araw din Ng gawaing Bahay..hehehe kahit Hindi Naman sabado o linggo lagi naman ako gumagawa sa gawaing Bahay. Naglinis Ako Ng Bahay at nagpaligo sa mga pamangkin ko.. natapos ko na Ang dapat kung gawin Ng bigla tumunog Ang cellphone ko.. Nagmamadali akong basahin at Nakita kung si Jerome ang nagtext..napangiti Ako.. Jerome; good morning Jane!kamusta ka na? Busy ka ba?punta Ako sainyo mamaya.. Ako: good morning din, ok Naman Ako. Umm, dinaman Ako busy tapos ko na Ang gawain ko. Jerome: ah ok sige,ok lang ba Maya Maya punta na ako Dyan may dadaanan lang muna ako..sige bye Ako: a ok sige..ok lang Naman ano Kaba,sige dito lang Naman ako sa bahay. Sige bye Pagkatapos ko makapag pahinga ay naligo na ako. Maya Maya ay nagtext si jerome.. Jerome: hi Jane!nandito ako sa labas Ng bahay nyo.. Buti nalang at Tapos na Ako maligo.. Hindi ko na nireplyan si Jerome at nagtungo na ako SA pinto at pinapasok na sya.. pAsok ka Jerome,aya ko Nakita ko na may hawak syang bocquet of flowers..kinilig naman ako.. Para sayo jane. Sabi ni jerome pagka abot Ng flowers. Thank you ha!,para saan naman at nagbigay ka nito?pa maang na tanong ko. Maupo ka muna.. Matagal Kuna gusto Sabihin sayo Ito Jane,kaya lang nagdadalawang isip ako.baka kasi Hindi ka pumayag at iwasan mo ako.. pag sasaad ni jerome.. Ha!? Ang ano naman?..tanong ko Jane alam ko naman na napapansin mo Ang mga pag aligid ko sayo..ah kasi..ei.. Sabi ni jerome na nabulol na sa huli Bigla kasi kami nagkatinginan.. Hoyy!anong nangyari cassette tape lang na nasira at Hindi na intindihin Ang sinasabi mo dyan... hehehe pang alaska ko saknya para maging kumportable Sya sa sasabihin nya masyado kasi seryoso. Pero deep inside kinikilig na ako at nag iinit na pisngi ko sa mga inaakto nitong lalakeng Ito.. Gusto Sana Kita ligawan! lakas loob na deretso pagkasabi ni jerome at walang kurap na nakipag titigan sa akin.. Pasensya kana ha, sa totoo lang ngayon lang ako nagkaganito sa panliligaw.. Ewan ko ba! Iba ka Kasi talaga sa ibang babae,para akong nalulusaw kapag nandyan kana sa harap ko, pero pag Hindi Kita nakikita Hindi naman ako mapalagay at parang Hindi buo arAw ko.. pahayag ni jerome na medyo nanginginig pa.. Diko alam bolero ka pala?he he joke.. pero Hindi bat may nililigawan kana? Baka naman niloloko molang ako. Tanong ko. Hindi ko naman nililigawan Yun,.Sino naman nagsabi sayo? IKaw lang Ang nililigawan ko,humahanap lang ako Ng tyempo na masabi sayo Ng harapan at gusto ko ligawan ka Ng pormal dito sa Bahay nyo. Jane Hindi ko alam na nahulog na pala Ang loob ko sayo,diko alam Basta Bigla nalang naramdaman ko nagseselos ako kapag may kausap kang iba kapag may katawanan kang ibang lalake. Naiinggit ako kela vin at sa iba mo kaibigan na kahit ano oras pwede kanila lapitan. Samantalang ako hannggang tanaw lang at hihintayin na sumalyap ka sa akin tyaka ako lalapit sayo. Jerome salamat sa Pag amin mo, Hindi Kita pipigilan sa nararamdaman mo sa akin. Pero Hindi ko pinapangako Kung maibigay ko sa huli Ang gusto mo..alam mo naman nag aaral pa ako, Sabi ko Kay Jerome.. Pero Hindi ka mahirap mahalin o magustuhan,pag amin ko sakanya Nakita ko sa mukha nya Ang bakas Ng kalungkutan.ang pagpigil sa namumuo nyang luha,para tuloy akong nakonsensya..pero diko naman sinabi na busted na agad sya,Ang akin lang maghintay Sya na Kung kailan ako handa pumasok sa relasyon seryoso, Bigla nalang nagbago Ang expression Ng mukha nya, nakangiti na Sya at nagsalita na. Hindi ako nawawalan ng Pag Asa Jane,Hindi ako hihinto sa pagligaw sayo nag uumpisa palang ako.hindi Kita minamadali na sabihing may nararamdaman ka para sa akin., Kaya Kita nagustuhan dahil sa katangian mong yan,Ang pagiging tapat mo at pag iisip ng tama,Ang ibang babae ay Sya pang nanliligaw sa lalake o SILa pa Ang nagpapa pansin. Hanga rin ako pagdating saiyong pag aaral at pagiging mabuti at masunuring anak at kapatid.. Sabi ni jerome Natapos Ang arAw Ng pag amin nya ay Bigla may nagbalik sa aking ala ala.. May mga naging boyfriend din naman ako noon,pero Hindi ganun ka seryoso. parang puppy love lang dahil Wala panaman talaga sa isip ko Ang mga bagay na yan.. Yung isa kasi si Kent unang niligawan Nya si papa kaya malakas Ang backer nya, mabait din naman at maitsura, singkit Ang mata at maganda Ang hubog Ng katawan kahit na medyo mababa syang lalake.. laginag papa impress si Kent sa papa ko,minsan magdadala Ng pinya sa Bahay,saktong paborito Ng papa. Nung naging kami ay kinuntyaba din ni papa na maghatid sundo sa akin pero Hindi Kasi ako kumportable minsan sakanya pagkasama ko Sya lagi naka akbay at nakahawak sa bewang ko na Hindi naman ako sanay sa ganoon. Minsan may naisip akong kalokohan, Palabas kami Ng gate Ng school Ng bestfriend ko Ng mahagip Ng paningin ko si Kent, Buti nalang at Hindi Sya nakatingin sa gawi ko.. At Bigla nalang sumabay ako sa maraming studyanteng naglabasan at nagtago ako sa sulok Ng isang tindahan. Nakitang Kung nakalapit na sakanya Ang best friend ko at narinig Kung nagtanong si Kent sa kanya.. Emie asan si Jane?tanong ni Kent Oooyyyy!!sinusundo mo ba si Jane?pang asar na Sabi ni emie.. Naku best! Huwag ka nagkamali na ituro ako...Sabihin mo nauna na ako umuwi...please.... Bulong ko sa sarili ko Naku Kent! nahuli kana kasasakay lang ni Jane pauwi, nauna Sya KAsi may dinaanan pa ako kanina pa kami naglabasan..Sabi ni emie.. Thanks best!Bulong ko Nakita Kung lumungkot Ang mukha ni Kent pero panay ikot Ng mata sa paligid at nagbabakasakali na nasa paligid lang ako. Antagal BAGo Sya umalis halos maubos na Ang mga studyante na nag uuwian. BAGo Sya umalis. Buti nalang at may dinaanan si Kent at di agad naka punta sa Bahay at nauna pa ako.. Oh anak asan si Kent?pinasundo Kita sakanya ha.tanong ni papa Sabi ko na nga e!naku papa..kaya lumalakas loob Ng lalakeng Yun..Sabi ko sa isip ko Po!ah,hi Hindi ko po Sya nakita papa..bulol Kung sagot .. Naku yari ako Kay papa pag nalaman tinataguan ko si Kent. Ganun ba!Ang nasabi lang ni papa.. Opo pa! Mayamaya dumating si kent.nakita ko sumisilip sa bintana kayat pinapasok konalang.ang ganda ng ngiti Ng Loko, Hummp..cute din naman Sya gusto ko kapag ngumingiti Sya lumiliit Lalo Ang mga mata at lumalabas Ang maliit pero malalim na dimple nya.. Sa totoo lang may pagtingin din ako sakanya kaya lang lagi ako may takot dahil baka magaya ako sa mga ibang kabataan na maaga nabubuntis kaya medyo paranoid ako sa mga naiisip ko kapag magkasama kami ni Kent.. Halos kalahating taon Ang relasyon namin ni Kent na Hindi manlang Sya nakakadampi Ng halik sa akin..dahil Yun Ang iniiwasan ko, humawak nga lang Sya sa kamay ko at sa aking bewang e para na ako nagiging poste.. Sa kalahating taon ay naging maayos naman Ang relasyon namin nagsasabihan kami Ng problema at welcome Sya sa Bahay. Pinakilala ko din Sya sa mga classmates ko at madalas tumambay Ang mga friend ko sa school sa aming Bahay at andun din si Kent nakikibonding sa amin.. Mas gusto Ng papa ko na ako Ang nagpapapunta sa Bahay Ng mga kaibigan ko kaysa ako Ang dadayo. Medyo maghigpit din si papa pero na sa tama naman Ang paghigpit nya ayaw lang nya na lumalayo ako at welcome naman sakanya Ang lahat Ng kaibigan ko.. Minsan sa Bahay pa nga mga Ito kumakain at natutulog. Pati Ang mga iba Kung kaibigan sa samahan namin ay ganun din ka welcome si papa sa kanila. Dumating Ang bakasyon at holly week na. Madalas kami magpunta ni papa sa family side nya. Sa manila Lalo pag tuwing Mahal na arAw ay tumitigil kami Ng 1 week sa Bahay Ng Tita Ng papa ko. Mayaman Ang pamilya ni papa bukod tangi kami Ang medyo nasa lower class nasa katamtamang pamumuhay lang .dahil Ang gusto ni papa ay maranasan nya Ang normal na buhay at pinag papaguran nya Ang bawat sentimo na para sa karangyaan buhay. Anytime naman ay welcome kami sa pamilya ni papa.at pinababalik na nga Sya ng mga Ito upang mas gumanda pa Ang buhay namin. Pero si papa ay may paninindigan. Andito kami ngayon sa dos castillas sampaloc manila Kung saan Ay nagsasama sama kami lahat magkakamag anak upang idaos Ang Mahal na arAw. Tuwing hwebes Santo ay may pabasa at pakain din para sa mga tao.bukod sa pamilya, at tuwing byernes Santo ay ginugunita Ang arAw Ng pagpako Kay Jesus may prosesyon at banda rin..pagdating sa hapon ay may pakain din para sa lahat.... /// Ano kaya gawa ni Kent? tanong ko sa sarili ko ..paano Hindi manlang nagtetext o tumatawag.,nagtampo kasi Sya sa akin ng Hindi ako nakapag paalam sakanya na aalis kami ni papa at sa iba pa nya nalaman. 10:00pm Ng naka tanggap ako Ng text mula Kay Kent. Na nakikipag break na Sya..ouch,,Ang sakit ha! nakipag break na walang malinaw na dahilan.. parang may tumutusok sa dibdib ko na matalim na bagay at may nakadagan Ng mabigat sa dibdib ko nahihirapan ako huminga.. Maya Maya namalayan konalang na umiiyak na pala ako. AyoKo Ng ganito narardaman ko kaya sabi ko sa sarili ko ay Hindi ako nakikipag relasyon Ng malalim.. Malay ko ba na mahuhulog din ako Kay Kent. Nakauwi na kami ni papa galing Ng manila. nakita ko si Kent sumalubong sa amin Nakita ko masama Ang tingin ni papa sa kanya at alam Kung napansin nya yun kaya nakayuko Sya Ng lagpasan ni papa at pumasok na sa Bahay. Naiwan ako sa labas ng Bahay dahil gusto ko makausap Ng personal si Kent. Kent,! tawag ko sakanya Bakit?...ganun lang yun?! makikipag break ka Ng napaka babaw Ng dahilan! Ang bigat Ng nararamdaman ko habang sinasabi ko sakanya yun..pinipigilan kung bumagsak Ang luha ko.dahil ayoko mag mukhang nagmamakaawa sa kanya. Jane sorry!Sana mapatawad mo ako ginawa ko naman Ang gusto mo at pilit Kung pinglalabanan Ang gusto Kong gawin sayo na ayaw mo naman gawin.bilang mag kasintahan. Paliwanag ni Kent. Ganoon lang yun dahil sa gusto mo gawin Ang bagay na yun at ayaw ko kaya ka makikipag break?Yun ba Ang basihan mo sa isang relasyon?nangingilid Ang luha ko.at nararamdaman Kung humihikbi na ako.. Kent maganda nga siguro na tapusin na nga natin Ang relasyon natin.,dahil Hindi ako Ang babaeng kayang ibigay Ang gusto mo. Magsasalita pa Sana si Kent Ng Hindi kona hinayaan na makapag salita pa Sya.. nagpaalam na ako dito at pumasok na ako sa Bahay. nahagip ko sa gilid ng aking Mata na Meron syang binato at nilamukos nya Ang mukha nya.... End of flashback..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD