KULANG nalang gibain niya ang buong mansion ng malaman niyang wala doon si Janette. Mula ng umalis siya sa bansa at hindi niya matawagan si Janette hindi na siya mapakali. Hindi na nga niya masyadong naintindihan ang mga sinabi sa kanya ng ancle niya. lahat ng atensyon niya na kay Janette lang dahil ilang beses niyang tinatawagan ang kasintahan pero hindi niya matawagan ito. Kaya naman kahit hindi pa sana siya babalik sa pilipinas, dali-dali siyang nagbiyahe pabalik sa bansa. Mas matagal pa ang biyahe niya kaysa sa inilagi niya sa England. Kaya mas maaga siyang nakabalik sa dapat na araw ng balik niya. Pero laking gulat niya ng wala siyang Janette na nadatnan sa bahay nila. Ang sabi ng mga tauhan niya, dumating ang dalawang kapatid nito at sumama doon ang dalaga. Kaya naman sobra ang g

