HINDI niya namalayan na nakatulog pala siya ng mahiga kanina sa kama niya. madilim na sa labas ng magising siya, tinatamad siyang bumangon kaya naman pipikit pa sana siya ng maalalang may kasama nga pala siya sa bahay ngayon. "You're awake"napaigtad siya ng marinig itong magsalita. Paglingon niya sa likod niya naroon si Harry nakahiga din sa tabi niya at ngayon lang din niya napansin na nakayakap ito sa kanya. Nakapikit naman ang mga mata nito pero paano nito nalaman na nakagising na siya. "How's your sleep?"masuyo nitong tanong sa kanya. "Bakit ka nandito?"imbes na sagutin niya ang tanong nito sinagot din niya ito ng tanong. "I already done cleaning the house, nakapagluto na din ako. I got bored waiting for you to wake up so here I'm laying besides you"iminulat na nito ang mata at t

