MATAAS na ang sikat ng araw, tagaktak na din ang pawis niya pero hindi pa din siya tumitigil sa paglilinis ng isda. Naghahalo na nga ang amoy ng isa at pawis niya sa katawan niya pero hindi niya ito ininda. Kailangan niyang kumita ng pera para na din may panggastos siya sa pang-araw araw. Sa halos isang buwan niyang namalagi sa lugar na iyon, natutunan na niya ang magtinda ng isda sa palengke. "Heto na po ang pinamili niyo"magiliw niyang inabot ang plastic ng isdang lininisan niya. Tinignan niya ang mga paninda niya, konti nalang at makakauwi na siya. "Aba! Jaja, palagi ka yatang nakakaubos ng paninda mo ah"masayang puna ng katabi niyang nagtitinda din sa palengke. Nginitian lang niya ito bilang sagot. Mukhang naman swerte siya sa paghahanap buhay niya dito ngayon. Noon umalis si

