Isang malakas na pagbalibag ang ginawa niya sa hawak niyang baso. You're so stupid! Pagalit niya sa sarili niya. Punong puno siya ng galit para sa sarili niya hindi para kay Janette. Nagagalit siya sa sarili niya na kung bakit pagdating sa dalaga hindi niya makontrol ang galit niya. "Master"tawag sa kanya ni Dave. Pero nagbingi bingihan lang siya, kinuha niya ang bote ng alak na kanina pa niya iniinom at tinungga ito. Gusto niyang iumpog ang ulo niya sa pader baka sakaling magising siya sa katangahan na pinag-gagagawa niya. Napagod na din siya sa pagwawala niya sa loob ng opisina niya. matapos kasi ang pagtatalo nila kanina ni Janette umalis siya ng bahay nila at nagtungo siya sa isang bar. Pero hindi naman siya nagtagal doon dahil maingay, kaya naman nagpasya na siyang pumunta na

