Kinaumagahan ay masayang nag tungo sa mall sina Jhianna at Liam kasama si Hannah. Patalon-talon pa si Hannah habang lumalakad at hawak siya sa kaliwang kamay ni Jhianna habang sa kanang kamay naman si Liam. "Ang gandang lahi naman ng pamilya na iyan!" "Oo nga, ang ganda ng nanay at oppa ang tatay!" "True, pero bakit parang ang bata pa naman nilang maging nanay at tatay? Pero in fairness ha perfect family picture sila, di ba?" Mga bulungang naririnig nina Liam at Jhianna at napapangiti na lamang sila pareho. "Kuya, anak n'yo daw ako?" tumatawang ani Hannah. "Hayaan mo na sila!" nakangiti namang saad ni Liam. Masaya silang namili ng mga damit ni Jhianna at pati sina Liam at Hannah ay namili na rin ng kanilang damit. Habang pumipili si Jhianna ng damit ay may lumapit sa kaniyang lala

