Nag-desisyon kami ni Bunny na pumunta sa Clandestine Bar para i-celebrate ang pagiging single ko daw. Hindi ko naman ikinakatuwa na single na ulit ako pero leche talaga yung Calvin at Veronica na yon.
"Haler, Mader! Wazzupp with your feslaks? Where here para mag-saya, hindi para mag-luksa." Madramang sabi ni Bunny sabay alog sa akin.
"Hindi ko naman kasalanan na gusto mo dito." Inis na sabi ko sabay ayos sa damit ko na medyo nalukot sa pag-alog nya.
"Duh! Nasa bar tayo na pang-mayaman kaya dapat umayos ka. Maraming Fafa dito na mas hot at mayaman kay Calvin. Walang lalapit sa'yo kapag ganyan ka." Sagot nya at tinaasan pa ako ng kilay.
"Bakit ba kasi tayo dito pumunta? Aba, isang buwan kong sweldo ang isang gabi dito!" Eksaherado ngunit pabulong kong sabi.
Kung hindi nyo nalalaman, ang Clandestine ay pag-aari ng mga Valderama. Sila ang pinaka-mayaman at ma-impluwensyang pamilya dito sa Barcelona, at maging sa buong probinsya ng Sorsogon. Halos mga anak ng politiko, negosyante, at mga popular na celebrity lang ang nakakapasok dito. Gaya ng sabi ko kanina, ang isang gabi dito ay halos 20k ang presyo. Take note, pinaka-mababang presyo lang yon.
Ang sabi ng mga katrabaho ko na nakapunta na dito, may dalawang level ang bar dito. Ang level 1 ay medyo afford pa ng mga katulad ko. Pero ibang usapan na ang level 0. Mga mayayaman at VIP's lang ang may afford doon.
Jusko! Kaya hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Bunny. Baka hindi kami makalabas ng buhay dito kapag hindi kami nakapag-bayad. Wait, bakit nga pala kami pinapasok dito in the first place? Alam ko kailangan may invitation ka ng member dito para makapasok.
"Bunny, paano---" Natigil ako sa pagsasalita dahil wala na pala akong kausap. Gaano ba ako katagal nag-space out?
Hala! Nasaan na yon?
Naghintay ako saglit sa kinatatayuan ko at baka may kinausap lang, ngunit lumpas ang ilang minuto at walang dumarating. Oh no!
Grr, sasabunutan ko talaga yang baklitang yan! Kung iiwan pala nya ako dito, sana hindi na lang nya ako sinama.
Luminga-linga ako para hanapin ang mahaderang bakla pero wala talaga. Tsk, sobrang excited ba sya sa boys para iwan ako? Huhuhu wala pa naman akong kakilala dito.
"Chill ka lang Sofia," wika ko sa sarili ko. Hindi ako pwedeng mag-hysterical sa harap ng mga mayayaman.
Para hindi ako mag-mukhang tanga, lumapit ako sa may bar stool para umupo. Mas mabuting dito ako mag-isip. Agad akong nilapitan ng bartender para alokin ng inumin. Nag-wave ako ng kamay para sumenyas na hindi ako o-order. Hmp, wala akong pera at kung meron man, sayang pera. Ano yan, ginto?
Nagtingin-tingin ako sa paligid at baka makita ko si Bunny, pero missing in action pa rin si Bakla.
Anong gagawin ko ngayon? Wala naman akong kakilala dito at kahit gustuhin ko man na maglasing, di ko afford. Mukhang mas nakakaiyak pa ang sitwasyon ko ngayon kesa nung nakita ko si Calvin at Veronica na nag-aanuhan huhuhu
"Good evening, Miss. What do you wish to order?"
"Ay, Bakla!" Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat ko. Sa lakas ng boses ko, napalingon sa akin ang ibang customer na malapit sa kinauupuan ko kaya yumuko na lang ako dahil nakakahiya.
"Miss, I'm not gay." Matigas na ingles na sabi ng bartender na nasa likod ko. Siguradong may lahing foreigner ito dahil sa pagsasalita. Pero, che! 'Di tayo bati, hmp!
"Psh!" Inirapan ko lang sya at hindi pinansin. Napaka-epal nitong bartender na ito. Sinabi ko na nga kanina na wala akong order, lalapit pa talaga.
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung nag-text o tumawag si Bunny. But to my disappointment, zero text and calls. Di-nial ko ang number nya at ang bilis ng sagot.
"Sorry, you do not have enough load in your account. Please reload immediately."
Bwesit! Bakit yung mga mahihirap na karakter na napapanod ko kapag tumatawag sila laging may load? Yung tipong walang pera pero naka-flip phone? Tss, sa tv nga lang pala yon nangyayari.
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa iritasyon. Una, niloko ako ng boyfriend ko. Pangalawa, pumunta sa bar na mamahalin at naiwan mag-isa. Pangatlo at higit sa lahat, mukha akong tanga dahil nakaupo lang ako at hindi umoorder ng kahit ano. Bakit? WALA AKONG PAMBAYAD!
"You seem to be the only bad mood here."
Napaayos ako ng upo ng marinig ang boses ng bartender sa likod ko. Hindi pa pala sya umaalis. Ano kayang tinatanga-tanga nya dito? Mabuti at hindi sya natatanggal sa trabaho.
Nilingon ko sya at saka tinasan ng kilay.
"Excuse me, Mr. Who the hell are you but I don't care, wala akong oras makipag-asaran sa'yo. Lumayo-layo ka sa akin at baka hindi kita matantsa. Baka biglang magdilim ang paningin ko at maihampas ko sa'yo bigla yang bote na hawak mo." Pagalit kong bulong sa kanya para hindi marinig ng mga kalapit kong customer.
Napaawang ang bibig nya sa sinabi ko.
Akala mo ah! Kalalaking tao, napaka-tsismoso. Tsk, tsk. Iba na talaga ang panahon ngayon.
Tinaasan ko sya ng kilay at agad naman syang nakabawi.
"Jesus, woman! You're so barbaric." Iling na sabi nya at saka ngumiti ng malapad sa akin.
Baliw ba 'to? Sinong matinong tao ang ngingiti pagkatapos sabihan na hahampasin sya ng bote sa mukha?
Hinilot ko ang sentido ko dahil sumasakit ang ulo ko sa lalaking ito.
Pinakalma ko ang sarili ko at baka matakasan ako ng bait. Aba, baka bukas ang headine "Isang babaeng nag-ngangalang Sofia Beatrice Gomez, natagpuang baliw sa isang Bar."
Ayaw ko naman ng ganon!
Huminga ako ng malalim at pabulong na sinambit ang mantra ko.
"Kalma ka lang, Sofia. 'Wag kang papaapekto sa baliw na yan. 'Wag kang papatalo. Inhale. Exhale."
One more time.
"Inhale..." Naputol ang meditation ko dahil umepal na naman ang bartender sa likuran ko. Talagang sinusubukan nya ang pasensya ko.
"What the heck are you saying? Are you nuts?"
Nuts...?! Pa-ingles ingles pa, pero gunggong naman pala!
Dahil malapit na talaga akong maubusan ng pasensya, tumayo na lang ako at nag-lakad paalis.
Bwesit na lalaki yon! Grr. Isa pa yang si Bunny. Saan ba 'yon nag-suot?
"OH EM GEE!" Narinig kong tili ni Bunny saka haltak sa braso ko. "Kanina pa kita hinahanap na bakla ka!"
Binawi ko ang braso ko at kinurot sya sa tagiliran.
"O-ouch, Mader! You're hurting me!" Maarteng sabi ni Bunny.
"Deserve mo yan dahil basta-basta mo akong iniwan. Kanina pa kaya kita hinahanap at muntik pa akong mapaaway. Saan ka ba galing?"
"Hay naku, nakita ko kasi yung friend ko. Sabi ko kanina, babalik ako. Aba'y ilang saglit lang, nawala ka na."
"Che! Gagita ka talaga!"
"Anyway, tara na. Doon tayo sa table ng friend ko at treat nya daw tayo."
Pumayag akong magpahila kay Bunny dahil baka maiwan na naman akong mag-isa.
Pumasok kami sa isang secluded part ng bar kung saan may rooms. Hmm, mukhang sa VIP section ata kami.
Pagpasok namin sa loob ng VIP lounge, sinalubong kami ng nakakasilaw na ilaw mula sa chandelier at malakas na tutugin. Marami rin ang tao na naroroon at nasisiguro kong mayayaman silang lahat base sa kasuotan nila.
Agad kong hinila ng marahan si Bunny para magtanong.
"Bunny... err, sigurado ka bang afford ng friend mo dito...? Baka mamaya sa kulungan ang bagsak natin..." May bahid ng pangamba kong tanong.
Kung kanina sa labas, halatang mamahalin ang lahat, lalo na dito sa loob ng VIP lounge. Puno ng swarovski crystals ang bawat sulok ng pader at may touch ng gold ang ceiling. Hindi ko sure kung totoong ginto ba yan o ano, pero siguradong mahal ang bayad sa kwartong ito.
Humalakhak lang si Bunny sa sinabi ko.
"Easy ka lang, Mamsh. Di tayo makukulong, no! Aba't hindi pang-kulungan ang beauty ko!"
At talagang nagawa pa nyang mag-biro, huh? Sino kaya ang pinagmamalaki nitong bakla na ito?
"Sino ba yang kaibigan mo at grabe ang kompyansa mo?"
Ngumisi sya sa akin at saka nag-salita, "Si August Zen Valderama."
V-valderama? Seryoso ba sya?