8 Adobong sitaw

2249 Words
Adobong sitaw "adobong sitaw is a simple and quick and delicious vegetables dishes. Crisp yet so tender string beans with pork." Leila POV Kahit ayaw kong magresign at umalis sa trabaho ko. Dahil maraming mga magagandang memory akong nabuo dito with my colleagues and friends. Pero dahil sa kagustuhan kong sumunod sa boyfriend ko sa Singapore. At mag apply bilang isang saleslady doon. Ay give up ko ang maganda kong trabaho dito sa Pilipinas. Para makasama ko lang ang boyfriend ko. Mahirap talaga Ang maka-apply ng trabaho sa Singapore. Maswerte na lang ako dahil may kakilala ang boyfriend ko doon. Ito ang tumulong sa akin na mag-apply ng trabaho sa Singapore. Kaya habang nilalakad ko ang mga requirements ko sa pag abroad ay nagresign na Ako sa trabaho ko. Ang may ari ng Mall ako nakiusap at nagpasalamat sa kabaitan nila sa mga empleyado. Tinanggap nila ang resignation letter ko. Dahil masipag daw ako sa trabaho at nagkaaward din naman ako dito. Suportado nila ang pag aabroad ko. Kung hindi daw ako palarin sa pag-aabroad pwede daw ako bumalik dito. Dahil maganda naman daw ang record ko. Walang violation na nilabag sa trabaho. Malinis ang record ko dahil trabaho lang naman ang inaatupag ko dito. Habang wala pa akong tawag ay tumutulong na muna ako sa pagtitinda sa mamihan at pares nila Tatay. Ayaw sana nila akong payagan na mag-abroad. Pero makulit ako at sinabing bibilhin namin ang lupang inuupahan nila sa pagtitinda ng mamihan. Pag-iipunan namin ito. Gusto ko din naman na makatulong sa parents ko. At makapag pokus sa pag-aaral ang kapatid ko at ang pinsan ko na kapatid na ang turing namin dito. Hindi pa fully furnished ang bahay namin. Marami pang kulang at kailangan na ayusin. Gusto ko din naman na maayos ang tinitirhan naming magpapamilya. Hindi rin naman sapat ang nakukuha naming bayad sa renta ng bahay namin sa Antipolo. Yung sahod ko naman para sa allowance ng kapatid ko at pinsan ko. Bayad pa sa kuryente at tubig. Ayoko din naman na hindi maganda ang bahay namin. Kahit iyon na lang ang mapaganda ko. Namimiss ko na ang mga kaibagan ko doon. Makapasyal nga doon bago ako mag flight. Waiting na lang Ako sa tawag. Naayos ko na lahat ng kailangan ko at importante na gamit ko. Lalayas na lang ang kulang. Nagmumuni muni ako dito sa duyan ng tumawag sa akin si Elle ang childhood bestfriend ko. "Wô ài nî."Sabi ko dahil mahilig kasi ito sa Chinese movie. "Bruha hindi hello yan! Kundi I Love you!"hagikhik nito sa kabilang linya. "Ano ba dapat. Akala ko ganyan yung maghello ka ei."sabi ko naman. "Nî haô, ang hello. Pero kapag sa tawag sa online call 'wéi' ang ginagamit ng ibang Chinese kesa nî haô."explain nito sa akin. "E, di ni hao. Hao hao de carabao de batuten. Sipit namimilipit baka gusto mo maipit ang singit ano?!"Sabi ko. Humalakhak lang ito sa sinabi ko. "Baka pwedeng ilayo mo ang bunganga mo sa cellphone mo 'no. Nabingi na ako sa pagtawa mo."reklamo ko pa. "Bruha ka parin talaga! Namiss na kita kelan ka mamasyal dito? Nandito si Leo ang baklang hari ng lakwatsero. Mamaya mawala nanaman ito sa lungga niya. Lalayas na naman at kung saan-saan na naman napapadpad." "Sabihin mo pasyal ako diyan at wag na muna kamo lalayas. Baka makalbo ko siya!" "Sure bruha! Well, narinig niya ang sinabi mo pala. Nandito sa bahay nakikikain. Hindi daw nabusog sa Bahay nila."natatawa nitong sabi. At narinig ko nga ang boses ng kaibigan naming bakla. Mamasyal na daw ako at magsabunutan daw kaming dalawa. Kaya kailangan kumain daw ako ng marami. Natawa ako sa baklang kaibigan namin. Madalas mang storbo sa akin kapag namamasyal ito sa Cromwell Mall. "Hanggang kelan ba ang skeleton na yan diyan sa Antipolo bruha?"tanong ko. "Hoy gago hanggang kelan ka daw dito?"rinig kong tanong ni Elle kay bakla. "Kelan ka daw ba pupunta dito?"tanong din nila sa akin. "Hindi ako busy ngayon. Pwede ngayon at makikitulog ako diyan sa Bahay niyo Elle. Paluto ka kay Mama Beth ng adobong sitaw ha with pork. Wag manok okay!"Sabi ko pa. "Ulam namin ngayon ang adobong sitaw na may kasamang sahog na Manok. Nagdala dito si bakla pinaluto sa akin. Kaya iyon ang ulam namin ngayong tanghali."sabi ni Elle sa kabilang linya. Humagikhik pa silang dalawa ni Leo. "Tsee! Kahit kailan talaga ang baklang yan."sabi ko. Natawa naman ito. Naalala ko pa noong high school kami. Nag staycation kami sa bahay nila bakla. Nagtanong ang Mama nito kung ano ang isahog sa adobong sitaw. Karne ng baboy ang gusto ko. Pero itong bakla Karne ng Manok ang gusto. Nagbangayan pa kaming dalawa habang si Elle nakatunganga lang sa amin. Kaya ang ginawa ng Mama ni bakla ay karne ng baboy at Karne ng Manok ang sinahog niya sa sitaw na adobo. Naalala ko pang sabi ni bakla. "Hindi kana nahiya nakikikain ka nalang sa bahay namin, nakikipag-away ka pa talaga sa akin dahil lang sa sahog ng sitaw. Kapal ng mukha mo. Makikain lang wag na request ng request ng pagkain. Wala ka naman ambag!" sabi pa nito sa akin. Sagot ko naman. "Wag ka na din magrequest ng ipapaluto kay Mama ko. Wag kana rin magbalot ng ulam sa Bahay. Kakain lang walang balutan ng ulam pag-uwi. Walanghiya lang Ang kapal ng mukha mo!" nagsabunutan pa kami. Tawang tawa sa'min si Tito at Tita sa kaingayan namin ng anak nila. Si Elle naman taga tawa lang namin iyan. Iyakin kapag naagawan ng ulam. Natawa ako ng wala sa oras. "Sige na see you later mga bakla!" "Okay see you later bruha! Magpapaluto na lang ulit ako kay Mama ng adobong sitaw with pork."diniin pa niya talaga yung with pork. "Yes dapat lang! Pork ha, hindi chicken! PORK!"ulit ko pa. "Opo narinig ko ng mabuti. Bye na!" "Bye!"pinutol ko na ang tawag namin. Maaga pa naman kaya ngayon na ako papasyal sa bahay ng kaibigan ko. Tapos naman na akong nagtanghalian. Kaya tumawag ako kay Mama na pupunta ako ng Antipolo kina Tita Beth. Magkaibigan na ang parents namin nila Elle simula tumira kami dati doon. May karinderya din ang parents ni Elle sa malapit sa paaralan. Malakas din yun na business nila. Nakakalibre kami palagi ni Leo, ng ulam kada tanghali noon. Kaya salamat sa mababait na magulang ni Elle. Dumaan na muna ako sa pwesto nila Mama. May ibibigay daw na pasalubong sa parents ni Elle at Leo. Paktay pagbibitbitin pa yata ako ni Mama ng mabigat. Buti sana kung hindi malayo ang Antipolo. Limang oras ang biyahe plus mag jeep pa papuntang bahay nila Elle. "Ano mga yan, Ma?"tanong ko pa. Ang dami naman. Isang plastic bag iyon. Ihahatid daw Ako ng pinsan ko sa sakayan ng bus. "Ikumusta mo na din kami sa mga parents Ng mga kaibigan mo, anak. Papasyal kami doon kapag hindi na kami busy dito. Para mabisita na din namin ang paupahan na bahay doon sa Antipolo."Sabi ni Papa. "Dapat lang po. Hindi yung nandito kayo palagi. Mag unwind din naman kasi kayo minsan. Mamasyal kayo sa mga Bahay ng kapatid niyo sa Manila."sabi ko. "Oo na kapag sa atin na ang pwestong ito."Sabi naman ni Mama. Claim natin yan Ma. Sa loob-loob ko. "Bakit ang dami naman yata ito Ma, Pa?"Sabi ko sa Isang malaking plastic bag. May zipper naman kaya ayos lang dahil hindi makikita ang nakalagay sa loob ng bag. "Pasalubong natin sa kanila yan. Hindi yung wala kang dala na kahit ano papunta doon. Tapos malalaman na lang namin ng Papa mo na nakikipag away ka dahil lang sa pagkain. Mas mabuti na yung may pasalubong ka sa kanila dahil makikikain ka naman at makikitulog sa kanila."sabi ni Mama. Natawa na lang din si Papa. "Ay grabe naman yung makikipag away Ako dahil sa pagkain. Hindi naman ah."tanggi ko. Kapag lang hindi nasunod yung gusto kong Ulam na request ko. Yun lang doon ako maiinis. "Oh siya alis na ng hindi ka gabihin sa daan. Ikumusta mo nalang kami sa mga parents ng mga kaibigan mo ha."Sabi ni Mama. "Mag iingat ka anak. Tumawag ka kapag nakarating kana sa Antipolo."Sabi naman ni Papa. "Opo Pa. Sige alis na ko. Ingat din kayo dito. I-text ko na lang si Mei mamaya. Bye."Sabi ko at sumunod na sa pinsan ko na buhat na ang mga pasalubong ng parents ko sa mga parents nila Elle at Leo. ***** Sinundo ako nila Elle at ang kuya niya sa babaan ko ng bus. Gamit nila ang sasakyan ng kuya nito. Kasama pa pala nila ang girlfriend nito. Mabait ito at ang maganda. Lagi nga namin sinasabi ni Elle dati na nabudol siya ng Kuya ni Elle. Naiinis naman ito sa amin dahil parang sinasabi na din namin na pangit ang kuya ni Elle. Gwapo ang kuya ni Elle. At sikat din ito sa university na pinapasukan nito. Pero low-key lang ito at ayaw sa maraming tao at maingay. Lagi niya kami sinisita kapag maingay kami sa kwarto ni Elle. Kapag kumatok sa pinto halos magiba na sa lakas. Kapag hindi kami makinig ay pagbabantaan niya kaming i-inject ng pampatulog at itatapon daw niya kami sa kalye. Marami akong masasayang memories dito sa Antipolo. Balang araw dito parin ako titira. Kapag nag Asawa na ako. "Hello Antipolo I'm back!"malakas kong sabi ng makarating na kami sa karinderya nila Elle. Hindi ko pinansin ang mga taong kumakain doon. Agad akong lumapit kay Mama Beth at niyakap ko ito ng mahigpit. Nagmano din ako kay Papa Ben. "Kahit kailan maingay ka parin na bata ka."natatawang sabi ni Mama Beth ang Ina ni Elle. Nasanay na akong Mama at Papa ang itawag sa kanila. "Kumusta ang mga magulang mo hija? Akala ko kasama mo sila?"tanong naman ni Papa Ben ang Ama ni Elle. "Maayos naman po sila Papa. Kinukumusta din po nila kayo. Kapag may oras daw sila Mama at hindi na busy papasyal daw sila dito."Sabi ko naman. "Ay aba, dapat lang. Ilang dekada na hindi man lang nila maisipan na mamasyal dito."sagot agad ni mama Beth. "Grabe naman po yung ilang dekada na. Kelan lang kami umuwi ng Quezon eh."sabi ko naman. Six years na simula noong nakagraduate ako at nag trabaho na sa Mall. "Awww!"tili ko ng may sumabunot sa akin bigla sa likuran ko. Tangina! Ang bakla kong kaibigan lang pala. Kaya pagka harap ko sa kanya ay sinabunotan ko din siya. Pero tawang tawa sila dahil nakawig pala ito. Makatili wagas na lalaki feeling babae. Natanggal ko tuloy ang wig niya. Pero dahil gusto ko gumanti sinabunotan ko parin Ang totoong buhok nito. Masakit kaya ang pagkakasabunot niya sakin. Humalakhak lang sila sa paraan ng kumustahan namin ng kaibigan kong bakla. Sabunutan talaga. Ayaw nito ang yakap dahil nandidiri daw siya kapag dumikit ang dibdib namin sa katawan nito. Gaga! Bakla talaga feeling maganda. "Bwesit ka! Niyanig mo ang kagandahan ko. Natornada na tuloy ang maganda kong buhok. Sarap mong ihagis sa loob ng butas ng Nanay mo eh! Bruha ka!"gigil pa nitong sabi habang inaayos ang wig nito. Tumatawa lang kami ni Elle, habang pinapanood ito. Kunti na lang ang kumakain dahil paubos na ang tinda nila Mama Beth. Ang natira ay iyon na ang uulamin namin. "Mama Beth, may natira pa ba sa adobong sitaw po?"tanong ko. "Ma, with pork ha. Wag yung with chicken. Baka magsabunutan na naman ang dalawa. Ayoko pa tumanda agad-agad."natatawang sabi ni Elle. "May natira pa sa adobong sitaw with chicken. Dinala ko dito para ulam ni lea. Nagluto na din Ako ng sitaw with pork para kay Leila. Baka magsabunutan na naman talaga silang dalawa."Natatawang sabi ni Mama Beth. "Mama, sino yung Lea? Baka po Leo iyon. Leonardo pala."hagikhik namin ni Elle. Tumakbo ako ng sasabunutan na naman niya ako. Naghabulan kami sa maliit na kainan nila Elle. Pati ang mga kumakain naiistorbo na din namin. "Oo na Leanarda na. Mama Lorna oh, si Leo nananakit na naman. Ngayon na nga lang ulit ako nakapasyal dito eh."sumbong ko sa Nanay ni Leo ng makita kong papasok dito sa loob ng kainan. "Broken betlog kasi iyan kaya ganyan. Ayaw niya sa mga magaganda na kagaya mo. Ayaw din niya sa akin naiinis daw dahil mas maganda ako sa kaniya."biro ng Nanay ni Leo. Humalakhak kami sa sinabi ni Mama Lorna. Pati ang mga kumakain napatawa na din. "Grabe ka naman sa betlog, Ma. Nakakasakit kana. Wala akong betlog, kepyas ang meron. Babae po ako."kunwari nasasaktan nitong sabi. "Yes babae po ako madlang people."madrama nitong sabi. Humalakhak sila sa kaartehan ng bakla. "Ang pangit mo magdrama umayos ka nga Leonardo!"sita ng Ama nito. Hagalpakan kami ng tawa sa pang aasar sa bakla ng parents nito. "Nandito ka pala, Pa."maarte nitong sabi sa Ama niya. Dati hindi nila tanggap na bakla ito. Hanggang sa wala na lang silang nagawa dahil sobrang ladlad na ang kabaklaan. "Halina kayo kakain na."tawag naman na sa'min ni Papa Ben. Mabilis na akong lumapit doon sa lamesa. Nagmano muna Ako sa Papa ni Leo at niyakap din ng mahigpit ang Mama nito. Puring puri nila ako at feel na feel ko naman. Nakinokontra lagi ni bakla. Masaya ang hapunan namin at nagvideo call Ako sa kapatid ko para ipakita na nandito na ako sa Antipolo. Nainggit din ito dahil siya lang daw ang wala. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kaming bahay nila Elle. Dahil andun Ang mga pasalubong ng parents ko sa mga parents Ng mga kaibagan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD