HANNAH
Mabigat ang aking katawan nang magising kinaumagahan at parang wala akong gana na lumabas sa hotel room. Inabot ko ang aking cellphone nang umilaw iyon. Alin lang kay Freya at Adonis ang magme-message sa akin.
From: Adonis
Is this you?
**insert picture of a girl and a boy who are talking while looking at each other**
Kumunot ang noo ko at umupo sa kama bago ito gumawa ng reply. "Yes, that's me. Saan mo nakita 'yan?"
Adonis: That is not the whole picture, actually. It's too dark and nahagip ka sa photo. Nanigurado ako kung ikaw so I zoom and crop.
I responded. "Saan mo nga 'yan nakita? Pa-suspense."
Adonis: 'Di ko na sasabihin. Secret nalang. Who's the guy, by the way?
"He's Harley. 2 days palang kaming magkakilala."
Adonis: Bago mo? Wala kang pahinga ah. Pa-expired na ba ang egg cells mo?
"Hindi ko siya hinaharot! Anyway, kanino nga galing 'yung photo?"
Adonis: It's from someone's gram story.
Napakagat ako sa aking labi. Umaasa habang tumitipa ng mensahe. "Was it from Apollo's?"
Adonis: Yeah. Don't approach him. Please, I'm begging you.
"Thank you, Adonis." Iyun ang huling mensahe ko at umalis na sa kama para mag-ayos ng sarili.
Apollo saw me while I'm talking to Harley. Did he got jealous? Napapansin na ba niya na hindi siya masaya kapag wala ako? Bakit niya i-story ang litrato na iyon? Sinadya ba niyang isama ako sa litrato?
Nang matuyo ng blower ang aking buhok ay lumabas na ako ng silid. I put my own at the back pocket of my shorts. Paglabas ko ng hotel ay sinalubong ako ng malakas na hangin kaya't hinawakan ko ang aking kimono.
"Hi." Nagulat ako sa boses na bumati sa akin. Papalapit sa akin si Harley habang may hawak itong tasa ng kape. "Good morning."
"Hi, ang aga mong gumising. 'Di ka naki-party?" Tanong ko.
"Nope." Pinaloob nito ang isang kamay sa itim na track pants. "After breakfast, do you want to go beach hopping?"
"You have a yacht?" Tanong ko dahil wala naman akong nakikitang bangkero sa resort na ito.
"I have." He said confidently.
"Are we going alone?"
"No. I invited some friends."
"Are they noisy?"
Umiling ito. "Some of them are newly wed couple, they are tamed."
Ngumiti ako. "Okay."
"Pwede ba kitang samahan magbreakfast?"
Tumango ako. "Sige."
Sinamahan ako ni Harley na kumain ng breakfast habang si Giaco naman ay nasa kabilang mesa at kumakain rin. Marami kaming pinag-usapan ni Harley, unti-unti ay nago-open up na ako sa kanya ng mga hobbies and experiences ko.
After namin kumain ay tinawagan na nito isa-isa ang makakasama namin sa boat. Habang kinukumpleto niya ang mga kasama namin ay kumuha muna ako ng beach hat para panangga sa init.
Pagkarating ko sa meeting place ay unti-unting bumagal ang aking paghakbang. Apollo was standing in the group while Anabel is talking to Harley. Kasama sila sa amin?
Halos hindi ako makahinga at kumapit sa braso ni Giaco. Agad niya akong inalalayan. "Miss, maybe we should cancel this if you're not feeling well."
"No.. I'm... Hindi ko alam." Nalilito kong sabi.
But then, I realized na baka may gustong iparating si Apollo kaya ako nasama sa photo na iyon. Kung gagamitin ko si Harley para pagselosin si Apollo, hindi ba parang unfair naman iyon?
No, I just have to act na hindi ko siya kilala. But he's with Anabel, alam kong maaalala niya ako. Sa oras na sumakay kami sa yacht ay wala na akong lugar para makaiwas.
Tatalon nalang ako sa dagat kapag masakit na maaakit na. Tama! Tatalon nalang ako.
"Hannah! There you are. We've been waiting for your arrival." Nagulat ako nang hawakan ni Harley ang aking kamay at marahang hinila palapit sa grupo. "Everyone, this is Hannah, I met her two days ago."
Umugong ang tuksuhan ng mga kabarkada ni Harley. Our group is composed of four boys and four girls. Noon ko rin nalaman na ang dalawang couple na kasama namin ay kasal na.
"Hannah, it's been a long time since I saw you." Saad ni Anabel.
Nginitian ko ito. "Yeah, it's a surprise to see you here. You and Harley are?"
"We're childhood friends." Sagot nito. Wala akong bad blood kay Anabel, hindi naman niya kasalanan na siya ang pinili. Kung panakip-butas man ang role niya ngayon sa buhay ni Apollo ay wala na akong pakielam.
Nilingon ko ang aking body guard. "Giaco, I'll be fine so you can stay here."
"Alright, miss." Agad na sunod nito.
Hinayaan ko na alalayan ako ni Harley pasakay ng yacht at nang makumpleto ay umupo na kami. Nakaramdam ako ng inis kay Apollo nang pinili nitong umupo sa harap namin ni Harley habang nilalandi siya ni Anabel.
Iniiwas ko nalang ang mga mata. Malakas ang hangin at nare-relax ako dahil roon. Naramdaman ko na may kamay na sumuklay sa aking buhok kaya nilingon ko si Harley.
He smiled to me. "I'm sorry. Nahahampas kasi ako sa mukha."
"I'm sorry. Akala ko kasi okay lang sa'yo." Natatawa kong sabi at inipon ang buhok bago ipusod. "Better?"
He looked at me softly. "Yeah."
Hindi ko napigilan ang pamumula ng aking pisngi dahil sa napansing paghanga sa mga mata nito. Umayos ako ng upo at binalik muli ang tingin sa dagat. Bahagyang bumagal ang takbo ng yatch kaya tumayo si Anabel at pumunta sa hulihan para pagmasdan ang view.
Nilingon ako ni Harley. "Do you want to go there too? Maganda 'yung nalagpasan natin na isla."
Tumango ako at tumabi kami kay Anabel. Habang marahang umaandar ang yacht ay ina-appreciate ko naman ang tanawin na para bang bata. Tumigil ang yacht at nagtaka si Harley kaya't umalis siya sa aking tabi para puntahan ang operator. Tumayo ako ng maayos at kinuha ang phone sa back-pocket at kinuhanan ng litrato ang scenery. I will send this photos to my friends and recommend this place.
Kasalukuyan akong kumukuha ng maganda anggulo nang biglang umandar ang boat. Napahiyaw ako hanggang sa humampas na saking katawan ang tubig.
"Hannah!" Rinig kong sigaw ni Harley.
Pag-ahon ko ay nakita na 'di naman kalayuan ang itinakbo ng yacht bago ito himintong muli.
"I can't swim!" Hiyaw ni Anabel. "Help!"
Nakita ko si Apollo at Harley na mabilis na tumalon sa tubig. Ngunit dahil mas malapit sa akin si Anabel ay lumangoy rin ako papunta sa kanya.
Ngunit 'di pa man nakakalapit ay natigil ako dahil sa sakit na naramdaman sa aking binti. f**k! Cramps! Dahil hindi makalangoy ng maayos ay lumubog ako.
Hindi ako makalangoy dahil sa sakit niyon at kahit anong gawin ko ay hindi iyon mawala. Nahihirapan na akong huminga ngunit pinipilit ko pa rin na umahon.
I felt someone's arms on my waist. Iniahon niya ako. Yumakap ako sa kanya. Takot at hinahabol ang paghinga. Umiiyak dahil sa takot.
"A...pollo...." Mahinang saad ko habang humihikbi.
"I got you, baby." It was Harley.