HANNAH Huminto kami sa tapat ng mansyon nila Adonis. Nauna ng bumaba sila Adonis at sinundan siya ni Freya para suyuin dahil buong biyahe ay hindi sila nag-uusap. Ngunit parang walang balak na bumaba si Apollo sa sasakyan nito kaya't tinanggal ko na sa pagkakakabit ang seatbelt. "Maraming salamat po sa pagsundo." Saad ko habang tinitiklop ang pinahiram nitong damit at inabot sa kanya. Kinuha niya iyon. "Congratulations, by the way." Nginitian ko ito ng matamis. "Thank you. You can come if you want." He looked at me. Finally, our eyes meet. "It might get awkward between us." "Nonsense. Tapos na ang lahat, nakalimutan ko na." Saad ko bago hinawakan ang bukasan ng pinto. Ngunit napakislot ako nang bigla nitong ni-lock muli ang mga pinto at pinaandar ang sasakyan. Marahas ko siyang

