Honoracio's POV Napakunot ang kanyang noo nang makitang kaakbay ni Ethan si Charito palabas ng sa building ng College of education. Napabilis ang mga hakabang niya papasalubong sa dalawa. "Charito," tawag niya sa babae na napaangat ang mukha. Mabilis na nagliwanag ang mukha nito nang makita siya. "Honoracio," ngumiti ito at bumitiw sa pagkakaakbay ni Ethan para lumapit sa kanya. Nagsalubong naman nag mga kilay niya at natuon ang mga mata sa kababata. "Anong ibig sabihin nito? Bakit mo akbay-akabay si Charito?" Hindi niya napigil ang pagalit na tanong sa kaibigan. Sinulyapan niya si Charito. Bumadha ang pagtataka at gulat sa mukha nito. Hindi niya ito pinansin at muling bumaling kay Ethan. Ang akala niya ay umalis na ito kanina para pumunta sa bar. Bakit ngayon nakita niya itong kasam

