Honoracio's POV UMIIKOT ang buong paligid niya. Para ring hinahalukay ang sikmura niya. Isinandal niya ang ulo sa sandalan ng backseat para ipahinga nag sarili. Mariin niyang ipinikit ang mga mata dahil kapag nakamulat siya ay umiikot ang kanyang panikit na mas lalong nagpapalala sa nararadaman niya. Nakailang baso ba siya ng alak? Anim? Walo? Maging iyon ay hindi na niya matandaaan. Sunod-sunod ang naging pagtagay niya dahil sa pag-uusap nila ni Ethan. Nakakaramdam siya ng galit at takot. Galit dahil alam niyang ginagawa lamang nito iyon para galitin siya, natatakot siya dahil baka ga seryosohin nito ang mga sinasabi, he knows how much promiscuous Ethan was. Sasaktan at paglalaruan lang nito si Charito, his innocent and naive Charito. Siguradong kung pupursigehin ni Ethan ang panliliga

