"Malamig na rito," ani Melody kay Honoracio. Nakatanaw siya sa labas ng balkonahe. Sa ibaba'y naroroon ang hardin. Tumingala siya sa langit, maliwanag ang bilog na buwan. Walang ulap na tumatabing sa makikinang na bituin. "Napakagandang pagmasdan..." wika niya sa asawa. Lumapit ito sa kanya at iniyakap ang mga braso sa kanuyang balakang. Iniangat naman niya nag braso sa balikat nito. Kinabig papalapit nag asawa sa kanyang katawan upang pawiin ang lamig na hatid ng pang gabing hangin. "Yeah," sang-ayon sa kanya ng kabiyak na mas lalong humilig pa sa kanyang dibdib. Yumuko siya upang samyuhin ang mabining amoy sa buhok nito. "Honoracio..." "Hmm?" "Do you... do you still love her?" Nahimigan niya nag insekyuridad sa boses ng babae. Hindi niya ito masisisi. Alam niyang sa nakalipas n

